Minsan, umaabot talaga tayo sa puntong okay naman... Pero nasasaktan pa rin.
Joke. Ang drama. HAHAHA
Hindi ko talaga maexpress nang matino yung nararamdaman ko at times like this. Being alone. Wala. Kaharap lang yung computer. Titigan kami. HAHA Yung feeling na mapapareflect ka lang sa lahat nang nangyayari sa buhay mo. Wag lang biglang may magnanakaw na pumasok sa bahay mo. HAHAHA (Kasi ako na lang ang gising sa bahay, tokwa talaga ang tapang ko! XDDD 1:56 AM na HAHA Note: May pasok pa bukas. Ay ano ako, college, college? Di ah. Taga-RC ako, High School Department. Paagahan ng gising palagi. HAHA Sabi ko eh, ang tapang ko. HAHA)
Kahit wala nang direksyon at sense yung mga sinasabi ko at sobrang random lang... Palagpasin niyo na lang. Minsan... Hindi palagi. HAHAHAHA
HINDI NA AKO NAKAKAPIT SA'YO PERO NAKATAYO PA RIN AKO SA HARAP MO.
Nung nabasa ko yung blog ni Maris, sabi niya... "gusto ko maging katulad ni Shey Manalo, na sobrang OHGOLLEY, ramdam na ramdan ko si God pag nakikita ko siya, astig sa lahat, writer, dancer, volleyball, HANEP. :”> Kung lalaki lang talga to niligawan ko na to eh."
Sobrang na-touch lang ako. Alam ko simpleng words lang 'yan. Pero yung maramdaman mo at mabasa mo, at malaman mong may mga taong nakakaappreciate sa'yo kung sino ka bukod sa mga magulang mong pinagtiisan ka.Yung feeling na ikaw yung may least na tiwala sa sarili mo, pero ang makitang may mga taong mas kilala ka pa kesa sa'yo, mas may tiwala pa kesa sa'yo, mas mahal ka kesa sa'yo sa sarili mo. Minsan ang sakit lang na palagi kong nakikitaan yung sarili ko ng butas. Alam mo yung feeling na... Naramdaman ko yung blog ni Maris, pero in a different thought.
Bata pa lang kasi ako, tinuruan na ako ng nanay kong huwag mainggit kaya may pagpipigil ako sa sarili kong makaramdam ng inggit. Though yung sinabi ni Maris, I have to agree. "Normal lang mainggit, araw araw ko yan nararamdaman. sobra. :)) Pero di masamang matutunan na mahalin ang sarili."
Pero di masamang matutunan na mahalin ang sarili.
Aaminin ko, never pa akong nainggit. Palagi akong kuntento sa kung ano ako. Pero dahil sa kuntento na ako, maraming opportunities sa buhay ang binabati ko lang ng 'hi'. At di kami nagtatagal, naghihiwalay din kami ng mga opportunities na 'yon.Pero palagi na lang akong humahanga sa iba. Humahanga to the point na I accept them the way they are, and this is me, and I accept the fact that we're different. Yung feeling na kuntento ka at ayaw mo na lang pakialaman ang iba. At di ka na nag-umpisang iimprove ang sarili mo dahil sa kuntentong tinutukoy ko.
Naramdaman ko na rin yung feeling na mag-let go, pero manatiling nakatayo sa harap niya. Nagkaroon na ako ng dalawang partner sa buhay, pero nauwi din sa hiwalayan. Pinagdaanan din yung bitter-an. Pero so far, friends naman kami ngayon.
Ba't ko nabanggit? Kasi gusto ko ikwento kung san ako nagsimulang mawalan ng tiwala sa sarili ko...
Umabot kasi ako puntong inakalang nakatagpo na ng pangatlo.
Sobrang mahal ko siya. End of story,
Alam mo yung hindi lumalagpas ang isang araw na hindi mo siya iniisip? Hindi lumalagpas ang isang araw na napapatulala na lang ako, kasi naaalala ko yung mga pinagdaanan namin. Hindi natatapos yung isang araw nang hindi ako napapatanong, "Ba't nawala yung amin?"
Yung feeling na dati siguro, isang taon... Siya lang yung laman ng blog ko. Lahat ng kilig, lahat ng saya, lahat ng sakit, at yung paulit-ulit kong pagsasabing, "Last na blog na'to tungkol sa'yo" pero pagsulat ko ng sunod na blog, siya pa rin yung laman. Ang sakit lang... Na siguro dalawang taon na rin ngayong taon...
Pero eto, siya na naman yung laman ng blog ko.
Gusto ko nang kumawala.
Tanga na kung tanga, hindi na rin ako natutuwa. Pero patuloy pa rin akong nasasaktan sa bawat araw na dinadalaw niya yung utak ko.
Alam ko na hindi na worth it... Pero ang puso ko, hindi yata alam 'yon.
Alam mo yung pag nakakabasa ka ng love quotes, love stories, at kung may nagkukwento sa'yo ng mabusilak man o lantang lovelife, gumigilid sa utak mo yung pangalan niya, at yung mga times na... Dati ako rin, nagkukwento ng mga nangyayari sa'tin, ng saya ko, ng tuwa ko, ng paghihirap ko... Pero yung feeling na katangahan na lang kung magkukwento pa rin ako ng tungkol sa'yo ngayon.
Kasi wala ka na naman sa'kin.
Kung naging sa'kin ka man.
Pakshit ka. Siguro kung naging tanga ako, mas naging tanga ka rin eh, no? Gusto kitang murahin. Gusto kong ipagsigawan sa lahat ng tao kung gaano mo ako sinaktan. Pero alam mo yung tulad ng sinabi ni Stephen Cruz (BTCHO)? NA KAHIT BINABOY MO YUNG PUSO KO, HINDI KITA KAYANG BABUYIN, PASALAMAT KA IKAW PA RIN ANG LAMAN NG PUSO KO.
TOKWA.
Kasi feel na feel ko naman na si Naomi, nagmahal. Eh ikaw... sa'kin? Mukhang hindi naman talaga.
Kasi ang nararamdaman ko, ang ipinaramdam mo sa'kin... Siya pa rin yung taong gusto mo. Kahit umaabot naman ako sa point na ginagamit ang utak... At kino-consider ko yung fact na parang ako sa'yo, mahal mo siya pero di ka niya kayang mahalin. Kaya masasabi kong patas lang tayo. Pero minsan, umaabot din ako sa point na sana... Natutunan ka na lang niya mahalin. Para siguro kahit noon pa, natanggap ko nang hindi tayo. At makikita pa kitang masaya. At least, may reason para tanggapin ko na lang lahat ng puso.
At dahil siya ang taong swerteng nagpatibok sa puso mo, hindi ko talaga maiwasang tingnan siya... At tanungin si God, "Ano bang pinagkaiba ko sa kanya?" Umaabot din ako sa point na hinahangaan ko na lang din lahat ng ginagawa niya and I always look up to her. Na never sumasagi sa isip kong maikukumpara ako sa kanya. Kasi ako hindi ko nagawang patibukin yung puso tulad nung nagagawa niya sa'yo.
Nung pinagbigyan kita.
Nung naging tanga ako.
Yun yung hinayaan kita. Hinayaan kitang mag-take over ulit sa puso ko, at inayos natin lahat. Naging masaya ako. Sobrang saya. Wagas na wagas.At alam mo yung sobrang saya lang sa'kin ng nanay ko nun. Kasi tanggap ka niya? Tapos palagi kitang kinukwento sa ate ko? Kasi tanggap ka rin niya. Alam mo kasi yung bukod sa mga kaibigan mo yung magiging masaya para sa'kin... Pero, magulang ko na, pamilya ko na yung masaya para sa'kin... :( Pero dumating tayo sa point na iniwan mo na ako. :( Nawala yung saya na yun. Hindi mo lang siguro naisip na pag naging masaya ka sa isang tao, sa kanya ka rin masasaktan. Hindi lang ako yung sinaktan mo, mga
kaibigan ko, pati nanay ko... Nasaktan mo. :(
Alam mo yung imbes na magalit ako sa babaeng mahal mo, sa sarili ko ako nagagalit.
Kaya nasabi ko dati na... Na sana kung siya pa rin yung mahal mo, sana hindi ka na lang pumunta sa'kin. Kasi ano bang dinala mo... Saya. Oo, saya. Pero sa kanya ka rin naman bumalik. Parang sumilong ka lang sa pagmamahal ko. Pero umalis ka din at pumunta sa una pa lang, pupuntahan mo na. Nagdala ka ng saya pero nag-iwan ka ng sakit. :(
Kahit yung mga simpleng bagay about sa'tin noon. Minsan ngiti, madalas sakit yung nadudulot sa'kin ngayon. Naaalala ko lang... Ang sakit lang. :( Sobra lang... :(
Yung kahit naghanap na ako ng iba... Hindi ko na magawang ibigay sa kanya yung lahat kasi nararamdaman ko na sa'yo ako nagpakatangang ibigay yung lahat... Kaya walang nangyari sa'min kasi nasaktan lang din ako kasi hindi kami nagkatalo... Kasi, ikaw pa rin yung laman ng puso ko. :(
Pero ang saklap na nakakasakit ako ng tao dahil sa'yo. :( Hindi ko talaga magawang ibigay yung buong ako sa mga taong nagmamahal sa'kin... Kasi naramdaman kong ubos na ako. Ubos na ubos na ako... :(
Nawalan na ako ng tiwala sa sarili ko. Nakakasakit pa ako.
PAOLO, GUSTO KO NANG MAGMAHAL NG IBA... :( GUSTO KONG MARAMDAMAN YUNG DATI MONG IPINARAMDAM SA'KIN, YUNG IMPORTANTE AKO, YUNG MAY NAGMAMAHAL SA'KIN, PERO MULA NAMAN SA IBANG TAO. KASI KAHIT ANONG GAWIN NILA... HINDI KO MARAMDAMAN. HINDI KO MAIBALIK YUNG PAGMAMAHAL NILA. :(
GUSTO KO NANG MAGING MASAYA. :(
GUSTO KONG MAGING MASAYA HINDI DAHIL SA'YO, GUSTO KO SA IBANG TAO NA. :( GUSTO KONG MASAKTAN, PERO HINDI NA DAHIL SA'YO. BASTA, AYOKO NANG IKAW YUNG DAHILAN. :( AYOKO NA TALAGA. KASI GUSTO KO NANG MAGTIWALA SA SARILI KO AT ITIGIL YUNG PAGKUKUMPARA KO SA SARILI KO SA BABAENG MAHAL MO :(
GUSTO KO NANG MASABING OKAY AKO NA MULA TALAGA SA PUSO AT KAHIBUTURAN KO. :( GUSTO KONG MAKIKITA KITA PERO WALA NANG MANGINGILID NA LUHA SA MGA MATA KO. GUSTO KO NA RIN MAGING MASAYA PARA SA'YO KUNG SAAN AT KANINO KA SASAYA... :(
GUSTO KO NA RIN MALAMAN KUNG PAANO KO LAHAT YAN MAGAGAWA. :( GUSTUNG-GUSTO KO NA... :(
GUSTO KO RIN NAMAN KASI MAHALIN YUNG SARILI KO... :( GUSTUNG-GUSTO. :(
Alam kong hindi ka naman makakatulong... Kaya ang sakit lang. :(
Siguro hindi nga tayo, tanga lang talaga ako. :(