11: 49 PM.
Last Saturday Class.Bakit ganito?Ok. Sa hindi inaasahang pagkakataon, naantala na naman ang aking mahimbing na tulog ng dahilan sa pagpunta sa isang lugar na wala naman akong idea kung saan. Siyempre, agad-agad akong bumangon sa pagkakahiga ko at nagbihis dahil lahat sila kasama, alangan namang magpaiwan ako. Hindi rin naman sila papayag noon.Na-miesta lang kami sa Ninang ko at pumuntang Starbucks sa Tagaytay. Malay ko ba na dun pupunta, eh di wala akong dalang jacket. Nilamig ako ng konti pero nakasurvive ako. Pero nararamdaman kong hindi ako okay. Tila magkakaroon ako ng trangkaso. Mabigat ang aking mga binti at nangangalay ako. Bukod pa yung madalas na pagsakit ng likod ko dahil sa UTI ko, lagi ako nangangalay pag nakatayo dahil sa aking mga bato. Uminom na ako ng *toooot* (censored kasi ayoko lang ilagay, HAHA!) sana hindi ako magkasakit.Sa school kanina, matamlay ako. Pero hyper pa rin. HAHA! Namomroblema pa rin sa same problem kahapon. Pero napagtanto ko na, ok lang ako. Ok? Kahit hindi naman talaga.Hindi ko siya nakita ngayon. As in HINDI!Ok. Nakita ko siya kanina sa canteen nang may kalayuan (hanep, nakikita ko pa rin siya). Nung nakita ko siya, sabi ko, wala yan. Wala. Ok lang yan. Pagdaan ko sa harap niya, para bang wala akong nakita. Hindi ko talaga siya tiningnan. As in HINDI! Galing ko 'no? Kaya ko 'yun. Pero pagkalampas ko sa kanya, kakaiba ang feeling.Pero sa buong araw, nagpupumilit pa rin akong tanggalin siya sa isip ko. Ka-abnormalan ko naman. Nako.Tapos kagabi, nung nagdadrama ako. Na-touch ako kay *tooot* (censored kasi abnormal din ang taong 'yan, HAHAHA! PEACE!) Sabi niya, "okei lang yan, yaan mo sia. katanga tanga nia, wala nang ibang SHEY sa mundo". May point siya, pero siyempre, magkaiba sila ng pananaw diba? Kaya. Ano, yun.Dramahan kasi kami kahapon ni super friend ko. :) Eh ayun. Nakakaiyak. :')Naalala ko lang narinig ko sa Rosalinda na commercial,
"Ayaw niya sa'kin, give up na 'ko"Nako, kalimutan na nga 'yan.Pag-open ko ng FS, eto nakita ko. New message:"dearest shey Hi Anak, musta? Luis was kind enough to let me use his fs so i was able to read your blog dated 13,14jul09.I was crying while reading it(you know me, very emotional) it`s sad when you see a beautiful fship on the brink of ending, it hurts bec it involves 2 of the most closest to my heart. it shld not be the case if only Roren were mature enough 2 deal w/ things in a responsible manner.You`ve gone through a lot & that special bonding extended even to both families, galing no? Pero mukhang bumalik na wastong pag-iisip nya this week.Sabagay, trials din yan and it would make your friendship stronger. Thank you for bearing w/ Roren. Thank you for still loving her inspite of everything. she`s blessed to have wonderful friends at ikaw kamahalan ko sa mga yun dahil syempre Anak turing ko sa yo eh. Iyo nga 1 kwarto dito eh, haha.I love you both dearly...Tita Karen"
Natouch ako sobra. Ang bait bait niya, super thanks talaga, Tita! :)
Tapos, ayon. Madami akong nakausap involving din this issue between me and this friend today.
Ok.
Sa eksaktong oras na ito.
May napakakulit at nakakabwisit lang talaga na hindi ko naman kilala. In-add niya ako sa YM, akala ko RCian since may katulad siya ng surname sa RC, akala ko kapatid or something. I accepted his invitation. And then hindi pala RCian a*p*t*. (napamura ako do'n, sorry lang!) Hindi ko ilalagay ang name niya, kasi hindi talaga dapat sa aking palagay. Kung anu-ano sinasabi niya. Yung bwisit na emoticon na umiiyak, nagbablush at kung anu-ano pa. Kasi daw crush niya ako, ang kapal ng mukha. Pinsan daw siya ni *toooot*(censored kasi nakakainis kung babanggitin ko), isang taong naging parte ng pagiging *tooot*(censored ang parte ng buhay ko na 'yan) ko. Nakakainis lang talaga. Mag-eemote pa naman ako dito, naudlot.
Nananakot pa itong si *tooot* (censored kasi gusto ko lang). Baka daw mamamatay tao. NAKO! Tapos bumanat bigla. Nako, tama na nga HAHAHA!
Tulugan na.
At sa mga oras na 'to, wala pa rin akong nahahanap for *tooot* na project. Goodluck. Barahin na kung mababara. :|
P.S.
Kwento ko lang yung sa HS base na YFC! Nako. Sana talaga matuloy at ma-approve! Prayers lang talaga, MOOOORE!
Kanina sa share-an ni Kuya *tooot* (censored kasi baka mag-react kayo), nakakatuwa. Kasi tama siya do'n, we can always ask whatever we have to from God. Pero parang yun na nga, kulang sa prayers. Tapos nung nagtanong naman sa reaction namin, sabi ko, "Na-eencourage. At yun nga, stronger hold to God lang talaga." Sabi nila, "english!" Eh di ako, napakagaling ko. HAHA! Sabi ko, "mahigpit na kapit sa Diyos." HAHA! Napa-LOL naman kami do'n! HAHA! Eh kasi, tama naman 'yon. :) Kaso natalo ako, may mas malalim. "Nabunutan ng tinik ang puso ko." (or nabawasan yata. ewan.) HAHA! Ang astig ng sagot e. Pero ang galing, may point siya do'n. Ang astig.
Sana talaga. Maayos na. :) MORE PRAYERS! And sa mga di umattend kanina, nako. Sayang. Can't find any time for God? He has time for you.
♥ life sent to Kyu
11:10 PM