Ang 'Ballpen Quote':
"Pag wala kang ballpen, wala kang notes.
Pag wala kang notes, wala kang pag-aaral.
Pag wala kang pag-aaral, wala kang diploma.
Pag wala kang diploma, wala kang trabaho.
Pag wala kang trabaho, wala kang pera.
Pag wala kang pera, wala kang pagkain.
Pag wala kang pagkain, magugutom ka.
Pag nagutom ka, papayat ka.
Pag pumayat ka, papangit ka.
Pag pumangit ka, wala kang syota.
Pag walang syota, madedepress.
Pag nadepress, magkakasakit.
Pag nagkasakit, maoospital.
Pag naospital, mamamatay.
Pag namatay, wala ka na.
Kaya ingatan mo BALLPEN mo."
Wala, naalala ko lang 'yan. Kasi, I always have my ballpen on my pocket. Siyempre, una, para pag nakasalubong mo na super unexpected si Crush mo, at nanghiram ng ballpen, papahiramin mo siya at mahihithit mo yung virus ng kamay niya pagkagamit niya ng ballpen mo.
Ikalawa, malay mo naman, maisipan niyang hingin ang number mo! :) O diba, sayang ang pagkakataon kung wala kang ballpen kung nagkataong wala siyang ballpen at sabihin niyang 'next time na lang!' hanggang sa nahiya na siya sa'yo!
At ang pinakamahalaga, para sa mabilis na pangongopya pagdating sa school sa umaga, o di kaya'y pag recess o lunch. Para hindi ka na manghahagilap ng ballpen kung kaninuman. O diba?
Kaya 'wag kalimutang magdala/maglagay ng ballpen sa iyong bulsa. Sa ballpen na 'yan maaring magsimula ang lahat. Dyan maaring umikot ang lahat. :) Maaring dito magsimula ang inyong pagkakakilanlan. Maaring dito kayo naging textmates nang hingin niya ang iyong mahiwagang number. Maari rin namang pumasa ka dahil sa bilis mong magsulat pagkopya ng assignment. Diba?
Kaya, pahalagahan si Mr. Ballpen mo. Kahit HBW lang 'yan, Lotus, Panda o G-tech. Itim, pula, asul o pink pa man 'yan, may kakayanan itong isulat lahat!
Isa pa pala, estudyante ka, papayag ka bang wala kang ballpen? HELLO! :)
Ok. Paalam na nga!
GOODLUCK SA BANDMARCHING NG JUNIORS BUKAS! ^_^