okay.
Trip ko lang si Mr. Title. ^_^ Wala talagang meaning 'yan.
Ano bang kaguluhan nangyare ngayon? Wala, puro kalokohan lang, lalo na yung *toooot* (censored ang subject na 'yan) namin. May nagtanong na teacher, ano daw *tooot* namin, sagot ko naman na pabulong, "Kalokohan po." HAHA! At narinig yata ng iba kong katabi 'yon. Buti hindi ako tinanong ni Ma'am *tooot* (censored din ang ngalan ng guro na 'yan, baka madamay, haha!) noon, kundi baka ma-kung anuman ako. HAHA!
Ano ba, ang saya ko ngayon. Pero hindi overjoyed. Tama lang. Kasi, wala ng panahon para malungkot, masasayang lang!
Naalala ko kasi kahapon, sabi ko sa isa kong kaservice, hindi maaring sabihin ang pangalan dahilan sa baka isipin niyo eh may kung ano. Sabi ko nung nasa service na kami at pauwi na kahapon, "Gusto ko na magbukas, para dismissal na ulit!" ANG GULO KO E, NO?
Nasabi ko lang naman 'yon kasi tuwing dismissal ko na lang siya nakikita, pag umaga, sa 'you may proceed' ko na lang siya nakikita nagsasabit ng bag niya. HAHA! LOL!
At kanina, sa canteen, dismissal, siyempre, nakita ko siya sa tabi ng basurahan. HAHA! Dun sila nakatambay eh, ano naman magagawa ko. Pero sabi ko nga, iiwasan ko na'ng tingnan siya. Tiningnan ko lang siya nung tinuro ko kay *toooot*(censored kasi baka tanungin niyo siya kung sino yung tinuro ko) kung sino ba ang rainbow na yun. Noon ko lang siya tiningnan.
Tapos matapos magsolo ni *toooot* sa pagbili sa canteen, alam na kung sino, LOL, ay umalis na kami sa canteen, wala ng dahilan para mag-stay doon.
Tapos napatanong ako, si Elo? Yon ay nung nakalabas na kami ng canteen kasi naiwan yata namin sa loob, eh di lumingon ako pabalik, at sa super unexpected lang talaga, si Ano, siya ang nakita ko. Lumabas na rin ng canteen.
Nung nasa service kami, eh medyo wala pang tao kaya't tambay lang kami sa labas ng service habang kumakain ng ice cream si *toooot* nang-iinggit. HAHA!!! Tapos, nakita ko na lang si Ano, oo, siya! na naglalakad sa may pathwalk naglalakwatsa lang! Kung alam niyo lang kung saan naka-park ang service namin kanina, walang tao masyadong dumadaan do'n pag dismissal. Ba't naisipan niyang dumaan do'n? May kasama nga pala siya noon pero wala akong pakialam sa kasama niya, haha! Basta, hindi ko siya tiningnan nung medyo tapat ko na sila naglalakad, pakipot effect pa ako. hihihi. Ayoko isipin niyang tinitingnan ko talaga siya! HAHA! Pero magfeeling tayo, tumingin siya sa akin. :">
Tapos, si *toooot* talaga, eh gustong gustong bumili, si *toooot* baman nagsolo! HAHA! Eh di bumalik kami sa canteen, at nakita ko na naman siya! Nakita ha, hindi ko siya sinasadyang tingnan. Todo palibre ako, wala baman akong dalang pera, pero ang natuluyan, wala. HAHA!
Basta 'yon. Hindi ko alam, kung gusto niyang mangausap... GO! Ok na ok. (grabe ako magfeeling, haha!)
Pero naalala ko lang, sabi ni Sir *toooot* may pagkatorpe nga daw 'yon. Nako. Hindi pwedeng gano'n.
Tapos si Ate Ganda.. :| Nagulat ako sa sinabi niya.
At ang tanging bagay na naisip ko, sana ang damdamin ni Ano, kay Rainbow na lang. O diba? HAHA! Kasi, ayoko naman sa isang lalake na yon. Kahit hindi pa man yon gusto ni Ate Ganda, ayoko pa rin sa kanya.
Na-bobother lang ako kasi love na love ko si Ate Ganda. :) Ayokong lumungkot siya! :) HAHA!. Wag ka mag-alala ha? Sa'yong sayo siya! :)
Ok.
Tara na't kumain!
♥ life sent to Kyu
7:41 PM