Sa hindi ko talaga malamang kadahilanan at kung ano pa man na dapat ko malaman na hindi ko malaman... BAKIT BA TINGIN SIYA NG TINGIN SA AKIN? Should I re-phrase? BAKIT BA HANGGANG TINGIN KA NA LANG SA AKIN? (kapal ko dun ah. HAHA!)
Ok. Pwede naman akong kausapin eh. :">
Ganito kasi yon, as usual, kasama ko ang aking mga
first year babes. Oo, ako na'ng ate. Kaya nagmumukha akong first year with them, hindi halatang second year na ang lola niyo. HAHA! Siyempre, way to canteen na kami. Ang magandang lakad ng girls, mabagal. At yon nga lakad namin since nagkakaroon ng maliit na traffic papasok sa canteen kasi sagupaan ang palabas at papasok. Eh may epal mula sa likod na dumaan sa tabi ko para mauna siya. NAKO. Hanep. Si
ano pala! Tapos ayun, natigil siya sa unahan ko kasi nga, traffic! HAHA!
Tapos eh di nagkawala wala na sa loob ng canteen, wala na akong pakialam sa kanya kung nasaan man siya doon. Basta, pumila kami at do'n kinilig kilig ang aking mga
first year babes dahil sa isang taong marahil ay nakita nilang may kapogi-an naman. Tapos, I can see through the corner of my eye na andun si ano, ewan ko na lang kung saan siya tumitingin kung sa akin ba, o feeling ko lang yon kasi hindi ako nakakakita pag may 2 meters away ka na sa akin. May kasama kasi siyang parang niloloko siya, basta yon. Dahil hindi ko naman siya tinitingnan, hindi ko na napansin kung nasaan na siya.
Hanggang sa nawala na pala siya sa canteen. Pagkatapos, nung palabas na kami, andun siya sa may labas lang ng canteen. Tapos pabalik siya sa canteen, doon iniwan na niya yung kasama niya na niloloko ba siya or kung anuman. Ehdi nakasalubong namin. Siyempre, hindi ko maipagkakailang tumingin ako sa kanya. Eh sa hindi inaasahang kaswertehan ko, tumingin siya sa akin. Tapos inalis niya tingin niya. Eh di ako, sabi ko, "*sigh* napatingin lang talaga siya" sa sarili ko. Eh di pinabayaan ko na siya, sabi ko, hindi na ako titingin sa kanya, baka mag-feeling siya (LOL! HAHAH!).
Pagkalampas namin sa kanya, since alam naman ng aking mga babes na yun ang aking crush, sabi nila, "Tumingin siya sa'yo!" Sabi ni ano (can't display name, para private, haha!) ewan ko kung dapat paniwalaan. Pero nung nag-gesture siya kung paano tumingin sa akin, iba sa gesture nung nakita ko siyang tumingin sa akin. ANO MEANING NUN?
WALA!
Pag yon talaga nahuli pa ng mga kasama ko(oo, hindi ako) na nakatingin sa akin. BAHALA SIYA. :| haha!
Tapos, na-move ang balagtasan namin sa Friday! HURRAY!!!
Mag-jajai ho yata kami sa film viewing? Di sure! HAHA! Slumdog millionare! :)
BYE NA NGA. :) Nagkwento lang ako ng di ko alam kung kilig ba, o inis. HAHA!
♥ life sent to Kyu
8:07 PM