okay. Uma-avalanche lang. :)
So. Nakakainis. Sana naman kasi, natawag na lang ang aking bonggang-bonggang class number na 18! O kaya ang sa partner ko na 17! Tuloy, mamomroblema pa kami do'n, buti sa Thursday nanghiram ng time si Ma'am. Madali lang naman magreport. Basta malakas ang boses, kahit basahin mo na lang. Pwede na.
Tapos, ang balagtasan na 'yan, hindi na matuloy-tuloy. Pero bukas na talaga ang simula, sino kaya ang kaunahang mabubunot ni Ma'am? GOODLUCK SA MGA SECOND YEAR!
Tapos, yung sa *tooot*, wala pa rin kaming nagagawa. Baman. =)) ALAM NA! Hindi maaring ilagay dito, baka may magalit. HAHA! Alam niyo naman...
Mabilis ang chika. :))
Ok. So I was like... off my mind today. Like all that I was saying is, "antok na talaga ako." Which is only half true, kasi what's inside my head eh umuwi na talaga! I was really bored during the discussions, like I want to lean onto my armchair. Kasi, isipin mo naman, nakaupo ka lang. At wala kang ginawa kundi isiping wag mong iisipin yung isang taong lagi nasa isip mo...Dati.
I actually mde a bet kanina with myself.
Late na kasi kami pinalabas nung last subject, tapos sabi ko. Anu ba 'yan, 4 na. Hindi ko na naman siya makikita, two straight days na. Tinatry ko lang kasi kung ano bang mararamdaman ko. Na-reresist ko naman siya kahit papano.
Sabi ko, sige, pag yon nakita ko pa sa oras na 'to. Hindi pa time para magkalimutan. :) May gano'n talaga.
Eh nagcanteen na kami, wala naman akong nakita. As in wala. Tinry ko na rin magmasid-masid at nakakuha pa nga ako ng Mr. Chips kay Kenn. HAHA! Thanks for that, anyway. :)
Eh wala talaga, so hopeless akong bumalik sa service with my
first year babes. Wala, yun na e. Nagbitaw na ako ng salita. Wala naaaa!
Tapos ehdi yun, palabas na kami ng school, isn't it ironic? Kahit on the way na kami out of the school, I was still hoping na makita ko siya kahit alam nang maaaring wala na yung service nila. Tapos, ayun. Down na talaga ako, bakit ganon? Hindi talag destiny. HINDI, HINDI, HINDI!
tapos nakita ko na lang si *tooot*, isang kaservice niyang lalaki rin. Sabi ko, sana siya na lang 'yon. Nako naman. Tapos as the service moves super slowly forward, shett! NAKITA KO
SIYA!!!! Ano ba naman 'yon,
why does he have to be near the exit? Why does he have to keep me waiting until almost the very end?! HAHA! As in siya talaga yung nakita ko with some other guy, maybe kaservice din nila. Bale, magkasama pala sila ni *tooot*, nauna lang siyang maglakad! Ewan ko kung nakita niya ako, or basta, nakita ko siya! Wala na akong pakialam kung nakita niya ako.
Sabi ko, ang galing talaga ni God! Pero naalala ko lang, 'You shall not put the Lord, your God, to the test." Pero basta. THANK YOU GOD for the BEST SIGN EVER!
Tapos, eh di katabi ko si ano sa service, alam niyang andun si ano. Habang nangangarap ako at luimilipad ang isipan, sabi niya, "Hinahabol ka ni *tooot*" kasi nagsasara siya ng pinto ng service. Tapos pag tingin ko sa labas ayun nga, tumatakbo siya with his kasama. So, parang pang-flatter lang 'yon e. Basta, wala na akong pakialam kung anong dahilan at tumakbo siya ng lampas sa service nila! IDC!!!
Pero pag-iisipan ko pa rin...
Ok.
Makagawa muna ng mga assignments. Siyempre, 9 na, wala pa akong nagagawa ;))
♥ life sent to Kyu
7:26 PM