OK.
Hay nako itong araw na ito.
KAMALASAN NA!Kahapon, kasasabi ko lang... Sino kaya ang kaunahang mabubunot sa Balagtasan? Eh sinwerte ang kamalasan namin.
Sabi ni Dianne, "Pag yan, hindi mabasa, tumayo na tayo." Kasi, hindi lagi mabasa ni Ma'am yung sulat ko sa index card, ang liit kasi. Sorry lang, ganun ako magsulat eh! Binalasa na ni Ma'am yung index cards, akalain mo nga naman... Sa paghugot niya ng card, hindi nga naman niya mabasa. Nako, napatawa na lang kami ni Dianne! :)) Alam na! Nung pinabasa ni Ma'am sa isa naming kaklase, nako.
DIANNE MENDOZA! >:)) Hindi ako. Hindi ako. Pero grupo namin! :|
Hindi ko na i-cecensore, friend ko naman 'yan e! HAHAH!
At may magagawa pa ba kami, eh nabunot na nga ni Ma'am. At ayun, kakatog-katog ako. Madaming pagkakataon na napapatingin ako sa kopya ko. Sorry lang.
Taob kami sa sunod na nabunot e! ANG GAGALING NILA! Grabe! ASTIG KAYO! Alam niyo na kung sino kayo. Promise talaga, the best kayo so far! :)
Isipin mo naman, umaabot ng 15 minutes yung isang group sa haba nung piece namin.
Ok. Goodluck na lang sa mga susunod! :) Basta, kami tapos na!
Pati sa *tooot*, tapos na kami! YEHEY! Nako, kinasusuklaman ko kasi 'yan. Nakakangalay. Wala pang kwenta, nakakainis. Pero basta, tapos na at pasado! Magaling!
Isa na lang problema kong project, yung Health. Goodluck sa'min ng partner ko bukas. :) Hiniram kasi ni Ma'am yung time ng Math. Basta, bahala na lang magreport. 5 minutes lang naman yung maximum time eh, so pabilisan na lang.
Ok. Kamusta naman yung project namin sa *tooot*. Tatlo lang naman kaming gumawa nun at pinanose bleed nila ako kaka-english. Online pa naman ako kagad para lang matapos namin 'yon at makapagpasa ahead of time para may additional grade, tatlo lng pala kaming gagawa. Nakaka-bitter talaga. Basta, yung hindi tumulong, promise us na babawi kayo pag groupmates ulit tayo! Nako. Sa ngayon, sige. Ok lang. Madali ko lang naman nasagutan mga tanong e (yabang ko HAHAHA!) No, thanks to *tooot* and *tooot*, kasi masipag silang mga kagrupo. :) Basta, ayoko nang ako pinagtatype! :))) Unless nag-volunteer ako. Kaya naman kanina, nag-volunteer akong hindi ako ang magtatype. Magaling ako e, nanguna na. HAHAHAHAHA!
Sige. Dito na nga lang.
Gagawa pa ako ng reviewer sa *tooot* kasi kailangan, tapos yung tala sa Filipino at mag-aaral sa dalawang quizzes. :) Aba, nagsisipag na naman ako.
Kasi, naisip ko lang. Ok lang naman na maging crush ko pa rin siya, pero hindi ko na sa kanya paiikutin ang mundo ko, meaning... Hindi na tulad ng dati, sa ganoong paraan, unti-unti ko siyang malilimutan, diba? Goal ko 'yan. Nakakasurvie naman ako. Malapit na mag-August. Discard na lang yung sign kahapon. Wala rin naman magiging kwenta e. Focus: Studies.
At pagtulog. Kulang ako dyan, lagi. :|
OK. Arrivederci!
♥ life sent to Kyu
6:14 PM