okay.
so, natuluyan na nga. Nagkatrangkaso ako today but still found time na mag-Tagaytay kaya ang sama ng pakiramdam ko. Kumain kami sa *tooot* (censored kasi baka may masabi akong hindi maganda). Nakakainis kasi. Ang bagal ng service! AS IN NAKA-5 TIMES NA YATA KAMING PA-FOLLOW UP! Basta, ayon. Masama pa naman pakiramdam ko. Bwisit na bwisit ako kanina. Mali-mali pa na-seserve nila.
Natulog ako kanina pag-uwi para magpahinga. Tapos pagkagising ko, dapat magtatype na ako ng project sa *toooot*, yung kasunod. Pero nagPPC pa si ate, umiyak nga ako e. Kabadtrip ko talaga. Tapos namroblema pa ako kasi hindi pa tapos 'yung project ng group namin sa *toooot* (censored kasi favorite ko 'yan. SHETT!). Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kasi may sakit ako tapos naguguluhan pa ako kaiisip sa idadagdag ko sa project na 'yon. Buti na lang, nag-OL yung isa naming ka-group. Buti na lang talaga.
Tapos, yung isa pa yung project sa *toooot* (censored din kasi bwiset talaga 'to!) na hindi malaman kung saan ko hahanapin. Nako. Buti na lang may napagtanungan akong batchmates ko. Nako, thank you talaga. Though di pa sure kung tama, pwede na 'yun! Basta meron. Sana si Ma'am *tooot* na lang teacher namin dun, ang hirap talaga, promise. :| BTW, sa Tuesday pa naman kami, pero siyempre, dapat maayos na today para pagpepresent, ok na. Kasi, yung kapartner ko, walang contact. Hindi ko alam if my cellphone or YM siya. :| Kaya I ended up making everything by myself. Pero may binigay na siya sa'kin about one topic nga lang.
GOODLUCK TALAGA. :|Ampait ng panlasa ko. :| Bawal naman ako umabsent kasi nga sa status ko as a student, attendance monitoring. Bakit nga ba nila ako ginawang monitoring? Hindi ba reasonable yung inoperahan ako kaya ako umabsent ng matagal? Hindi ba yun excused? Eh di sana, nagpapahinga na lang ako ngayon. Mabibinat lang ako pagpasok ko bukas, panigurado na. :|
Dito na lang, mag-aayos na ako ng gamit at tutulog na. Eto na talaga, Balagtasan na namin bukas. :|
♥ life sent to Kyu
8:28 PM