
Saturday, August 29, 2009
August 29, 2009
Dahil masipag ako today, gumising ako past 12 na. :)) Nasa isip ko kasi, mamaya, maaga pa, hanggang sa inabot na ako ng tanghalian na kumakain na sila. Diba, umaga pa lang, kita na ang pagiging masipag ko.
Maishare ko lang, nasayang ang unli ko kahapon. Muntae. As in nagamit ko lang yon nung nag-gm ako ng last minute, pagkatapos ng gm ko, tapos ang unli ko. Feeling ko nga nabawasan pa yung load ko, yung tipong nagsesend pa ng gm, natapos na yung unli ko. Sayang naman ang pinaghihirapan ng mga magulang ko, nakaw lang mga load ko e. HAHAHA!
May isheshare pa akong isa na lalabas ang pagiging tanga ko. HAHAHA! Or ka-abnormal-an ko lang naman, masasabi mo ba akong tanga e hindi ko naman sinasadyang mangyari ‘to.
Nung Wednesday, dahil masipg na naman ako, inuna ko ang magcomputer. Eh actually, school works din naman ang ginawa ko, hinalughog ko ang internet para makakita ng converter from .flv to .wmv. Inabot ako ng mga 9:30 that night, tapos nag-dinner. Tapos around 10, sinipag na naman ako… Sinipag akong mag-laptop naman. So nag-edit ako ng mga pictures dahil ewan ko, sinisipag lang. HAHAHA! At eto ang magaling, 10:40 ko lang na-tripan na maggawa ng mga assignments. Una kong ginawa yung sa English kasi maikli lang. Tapos nung yung AP na yung ginagawa ko about ebolusyon ng tao. Ganito ang nailagay ko:
-Homo sapiens
sepience-lubos na nalinang
ng pang-P.E.
-Lubos na
procambium. Asan na sya?HAHAHAHA! Kasi, as in nakakatulog na yata ako nung ginagawa ko yan! AS IN!!! Nakapikit na ako nung sinusulat ko yung assignment, so kung anu-ano na lang naisulat ko. Nung bumalik ako sa katinuan, natawa naman ako sa mga naisulat ko. Panta ako. :))
Naalala ko lang, dati sabi ng Kuya ko minsan daw pag naglelecture siya e nakakatulog siya at naiilagay nya mga maglalakad sa Mcdo. Mga kalokohan din dahil sa kaantukan. Sabi ko pa naman, hindi pa nangyayari sa’kin yun kasi hindi ako ganun. Ayan tuloy inabot ko. =)))) Nagtagal lang lalo bago ako makatulog. Siyempre, masipag ako, natulog ako sa desk ko that night, at gumising ng 12:00 AM na, at tsaka nag-aral sa nag-aambag na quiz sa PA. For short, pang wala rin akong naaral kasi wala akong naintindihan sa inaral ko nun dahil naiisip ko lang ay ang malambot kong kama. HAHA!
Wala naman. Share ko lang. HAHAHA! Napapa-lol pa rin kasi ako pag naalala ko yan. Panta talaga. HAHA!
Naiinlove talaga ako sa song na Losing You. Grabe. Ewan ko nga kung paano ko naman i-rerelate ang sarili ko dun e hindi naman ako makarelate sa meaning nung kanta. Ang ganda lang talaga. <3
Kanina, kamusta naman yon? Umiiyak ako sa harap ng laptop. Panta na naman ako. Dahil kasi sa project sa *tooot*, minsan na nga lang ako sipagin, ayaw pa ma-publish!!!!!! Pinaghirapan ko pa naman i-download isa-isa yung mga video tapos kinoconvert ko pa rin yun isa-isa, tapos palipat-lipat pa ako ng computer-laptop kasi ginagamit yung computer e nandun mga files. Hay. Pero teka, bakit ko ba iniiyakan ang project ko? HAHAHA! I mean, dun pa ako sa harap ng laptop umiiyak na parang bata na ang sarap ko nang paluin kais nabubulabog mga kasambahay ko.
Only to end up publishing that movie na wala yung 2 video. :((((( Ayaw nga kasi mapublish ee!!! Haaaaaaay. Grabe, nakakainis na. HAHAHA! Basta ang ganda ng Losing you, ok na ako. <3
Ang dami kasi ng quiz for Tuesday e. Kaya naman, naiiyak ako kasi hindi ko alam kung paano ako maag-aaral eh may nag-iinterrupt ng oras ko like yun ngang project! HAY!
Feeling ko, gutom na ako. :)) Feeling ko lang? HAHAHA!
“so tell me why I’m swimming against the tide. I’m praying for a lifeline coz I’m losing you. So tell me why you took care enough to try. Are you giving up this fight? I can’t stand, won’t stand losing you.”
♥ life sent to Kyu
11:48 PM