Exams na bukas.
Paano na 'to? Hindi pa ako nag-aaral. HAHA! Ang sipag ko talaga.
In my mistakes, I learn. Pero kailangan ko pa bang magkamali muna bago ako matuto? Ba't ang saklap talaga ng buhay? Napapatanong lang talaga ako ngayon. Hindi ko alam. Hindi ko mawari bakit ganito... Yung kailangan magkamali muna ako sa ilang items sa quizzes para maitama ko na 'yon next time. Pero teka, oo nga naman. Anong itatama mo kung hindi ka naman nagkamali? Pero hindi naman perpekto ang kahit sino.
Ang lupit ng mundo ngayon. Mad world. NP lang. HAHA!
Exams na talaga bukas, tila hindi pa rin ako makapaniwala. Ibig sabihin, three quarters na lang ang nalalabing school days. Hindi natin mabilang ngayon kung ilang araw pa, pero dadating din yung punto na kahit pilitin mong hindi bilangin, alam mo na sa isip mo na one week na lang, bakasyon na naman.
Sa mga seniors, aalis na sila. Maaring one week na lang kami, kayo two weeks pa. Pero hindi ko mapaliwanag kung paano na pag malapit na ang last day. Na-fifeel ko na siya tulad ng pagtatapos nitong quarter na 'to.
Exams bukas: CLE, Filipino at Math.
Oo, ang favorite subject ko na Math. Sana lang, pumasa ako 'no? Pipilitin ko talagang makakuha ng mataas do'n kahit animo'y kabute lang ang utak ko pagdating sa magulong mundo ng Math. Sa CLE at Filipino naman, paduguan na lang ng utak sa pagkakabisa ng mahahalagang detalye. Siyempre, kamusta naman ang grade ko sa Balagtasan? :|
Teka, paano nga ba ako makakapag-aral kung nandito pa ako sa harap ng computer ngayon? Kasi, nababagabag ang kalooban ko ngayon. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Ang bagong dating kong laptop para ayusin o mag-aral? Mas mahalagang mag-aral pero nakakasabik yung laptop. Diba?
Pero natatamad ako mag-ayos nun! Pipiliin kong mag-aral, right? Diba? Mas tama yun. Mas focus ko yun ngayon. Ang salitang kailanman hindi maiwasan, STUDIES.
Sige. Goodluck naman. ^_^
Salamat suspended klase sa Wednesday, but all hail President Cory Aquino! :)
♥ life sent to Kyu
5:13 PM