Kamusta naman 'yon? Ngayon lang ako nakapag-log in. 11:40 na ng gabi. :| Inaantok na nga ako e. Ayan tuloy, karma down ako sa plurk. :|
OKAY!
First day of Exams kanina. CLE, Filipino at Math.
Sa CLE, madali lang manghula. Kasi madami may choices. hihihi. Ok lang yung exams sa CLE, tama lang. Pagdating naman ng Filipino. Pigaan na ng utak.
FYI, hindi ko natapos aralin yung Filipino. Kagabi, pabagsak-bagsak na ako sa pag-aaral. Eh wala namang gumising sa akin nung nakasubsob na ang ulo ko sa desk dito, hinayaan lang nila ako matulog. So, mag-aalas dose na, gising pa ako, sila tulog na. Hindi kinaya ng powers ko, 2 topics lang naaral ko sa Filipino. Ilang topics yon? 17 o 18 o 19?! O diba, alam ng wala ng mararating.
Pagdating kaninang umaga, siyempre walang gumising sa akin. 5:30 AM na yata ako nakabangon, buti nagising ako. Tapos nagmadali talaga ako maligo para makapag-aral pa sa Filipino. Tapos hindi na talaga ako kumain ng breakfast, sinadya ko na. Kung kakain pa ako ng cereal na 'yan, malamang-lamang eh hindi ako makakakalahati out of almost 20 topics nga. Habang nagbibihis ako, nagkakabisa ako ng mahahalagang detalye. Nagkakapalit-palit na yung mga writer ng every story ko. HAHA! Gulong-gulo na ako. Tapos dumating na ang service, siyempre, nahilo ako kakaaral sa service. Eh tinamaan ako ng antok, as in napapapikit na talaga ako! Ehdi may natira pang mga 5 topic na hindi ko naaral.
Pagdating naman sa school, bell na. :| Siyempre, dapat ng aralin yung first subject, CLE. :| Hindi naman kami pinayagang mag-review after ng first exam. :| So, todo hula ako sa Filipino. Dapat pa naman do'n, exact words. :(( Wala na akong kinabukasan. Sa Math, wala talaga akong inaral. Sa school na lang nag-cram nung break. :| Pagsasagot, multiple choices naman, mag-mini-mini-may-ni-mo na lang. HAHAH!
Tapos makikita mong ambilis ntapos nung mga kaklase mo, ang saklap. Ganun na ba ako katanga? HAHAHA! (Nasobrahan sa drama, haha!)
Pag-uwi, di lang halata, bad trip ako. Kasi naman, wala lang. Sikreto ko na lang 'yon. Sinadya ko na ring hindi kumain ng lunch. Dapat nga hindi ako kakain ng dinner eh, kaso napilit nila ako kahit ayoko. Ang drama ko naman. HAHAHA!
Joke lang yun. Pero seryoso, hindi ako nag-lunch. :) Galing ko talaga. :)) Baka bukas hindi na ako kumain totally, e no?
Hanggang pagtulog ko ba naman, exams pa rin ang panaginip ko? ANO BA NAMAN. :| HAHAH! Nakakabwiset lang e. Kaya gumising na ako ng mga 6 kanina, naiinis ako. :)) Tapos ayon, nanuod ako ng Cory Aquino. Nakakatouch lang talaga ginawa niya for our country, no?
Ang astig.
Napaisip na naman ako, bakit kailangang yung mahalaga pang tao ang mawala? Yan din ang tanong ko nung nawala na si Francis M. at Michael Jackson.
Bakit hindi na lang yung tulad ko mawala na hindi naman kailangan ng mundong ito? Ang drama e, no? HAHAHA! =))) Pero seryoso, tanong ko lang 'yon. Mas nakararami kasi may kailangan sa kanila, mas may kinabukasan. Sa kanila, may kinabukasan. Sa akin ba, meron? Maipaglalaban ko ba ang demoksrasya ng hindi gumagamit ng dahas? Makapag-aalab ba ako ng damdaming makabayan gamit ang mga kanta? Hindi ako magiging newsmaker. :) Diba? Bakit sila pa?
Naawa lang ako sa pamilya ni Pres. Cory Aquino. Esp. kay Kris when she's crying. :|
Instead, thankful na lang ako sa buhay na 'to kahit hindi naman lahat ng nangyayari kanais-nais. Everything naman is in the will of God. Tatanggapin lang dapat. Yun lang. ;)
Sige, paalam na.
Walang pasok bukas. :) Sumaksi tayo sa huling hantungan ni Pres. Cory. :)
♥ life sent to Kyu
11:06 PM