...Dati 'yon.
Medyo tama na yung hinala ko na may nililigawan siya. hehehe. Ewan ko kung ano dapat kong maramdaman? BAKIT BA HANGGANG NGAYON IKAW PA RIN ANG BINOBLOG KO? Panget ka (sabay dila na parang bata). haha :))
Tama na nga 'yan. Sabi meron daw kaming chemistry, sabi ko naman, biology pa lang lesson namin. (corny ko talaga, hahaha!) Hindi kami
soulmate, yung mga nangyari, nagkataon lang 'yon. Nagkataon kahit paulit-ulit na beses na. Nagkataon. Saklap 'no? :)) Kahit yung bagay na makakapagpasaya sa'yo, nagkataon pa rin. Hay.
Malay ko raw, yung tingin-tingin niyang 'yon, Step One niya. Naisip ko, kailan pa siya mag-sstep two? Kung kailan wala na ako? Diba? Kung kailan binitiwan mo na, hahawak siya bigla?
NAGKAKALOKOHAN TAYO NITO. :)) HAHAHA! Hindi nga. Pero bakit lagi na lang may tawa pag ang drama ko? :))) HAHAHA! Feeling ko nagawa na niya yung step TWO e. Yung nagtext siya. Pero hindi ko naman masyado pinansin, nagtext siya dati, hindi ako nagreply talaga. Hindi ko naman kasi ramdam. Hayaan na. Kasalanan ko na rin? Tama na nga. Parang math problem, hindi ko makuha solution kaht alam ko yung sagot. :P
Kung hindi natin siya pag-uusapan kasi ayoko naman talaga siyang pag-usapan, kamustahin na lang natin ang results ng madudugong exams.
So far, walang bagsak. Swerte. Akalain mo nga namang papasa rin pala kahit puro hula lang? :)) Buti may mga consideration. Ang galing! I mean, ang astig. Hindi naman kasi ako magaling. Haaaay. Thank God, wala talaga akong bagsak. Pinakamababa ko, 17 mistakes. Kay favorite teacher 'yon. :)) Nako.
Speaking of favorite. Si favorite classmate ko ay.... (siya yung binlog ko sa bandang P.S.) Buuweeshett. :)) SHOOT-TANG-MOMMY sabi nga nila. Nako. Ang galing. :(((( NAKAKAIYAK. Yun bang... ayaw mo. Tsaka pa nangyayare sa'yo. Ang gusto mo, ayaw mangyari-yari sa buhay mo! :))) MAY GANON?! Double meaning e. :)) Kanina kasi... (hindi maaring tapusin ang sentence, baka magka-world war III, ok? Umaasa pa ako sa world peace, kaya hindi maaring ituloy.) HAHAHA.
HAy.
Hatching. :)) Wala lang. Mala-walang kwentang word sa blog ko. HATCHING!
"You don't know me, you don't even care. Oh Yeah. You don't know me, you don't wear my chains." -Boston by Augustana
Oo nga. Hindi naman niya pasan ang pasan ko. HIndi naman niya ako lubusang kilala. WALA NAMAN SIYANG PAKIALAM SA AKIN. (ba't napadrama naman ako? hahahah!) Dugtungan natin.
"I THINK I'M GOING TO BOSTON" HAHAHA!!!. :))
Namimiss ko tuloy ang line na, "Deeper and deeper I'm falling in love with You." WAAAAAAAAAAH!
Dito na lang. baka makatulog ako ng maaga ngayon? Hmm.
"All I want in this life is to truly know You more..."
♥ life sent to Kyu
7:57 PM