
Thursday, August 13, 2009
Sabi ng mga loko kong kaklase...
"Gusto mo ng PERFECT GUY? Katangkaran ni AMADO, Personality ni OSIS, pagkagentleman ni NAAG, kaenglishan ni LANCE, Kagwapuhan ni JOSH, Kakulitan ni ARTHUR at katalinuhan ni JEVIN."
Kung kilala niyo lang ang 7 capital sinners, I mean, seven boys (talaga lang, ha? haha!) ng section namin, malamang mapagulong ka rin katatawa sa statement na 'yan. Siguro, sasabog kayong dalawa pag ganyan ang description sa perfect guy. Pwede namang height na lang ni Jevin e, HAHAHAHA!!! :) Pero pinagtitripan nila si Lance. Eh sawang-sawa na ako sa maka-nose bleed na mga english nun. Last year pa niyan painadudugo ang ilong namin.
Ang screen ko, punong-puno ng pop-up windows sa YM. Grabe. Naadik naman sila sa topic na 'yan. haha! Tumigil nga kayo. Dahil para sa akin... JEVIN ako e. :)) HAHAHAHA! Madami kasi kayo, Lance na. hahahaha! 5:1 nga diba? :)) Pero walang kukulit sa pasimuno ng statement na 'yan! HAHAHAHA!
Ok.
Kanina, may ibablog talaga ako. Nakalimutan ko dahil diyan sa Lorenzislocos na 'yan e. HAHAHA! :))
Ay eto. Matinding banat.
Kasi naman, kung alam niyo lang mga dinadaanan ng service namin, huwag kayong magtaka kung isang araw, baka naka-jeep na lang kami. :)) HAHAHA! Halos masira na yung van sa mga dinadaanan e.
Tapos 'pag hapon, ang iba sa mga kaservice ko, animo'y nagpapalakihan ng bag, yung akin, medium lang, tambak na. HAHAHA! Eh di palaglag-laglag yung mga bag. Sabi ko, pag 'to nahulog, di ko to pupulutin. Tinutukoy ko yung isang bag na malapit na mahulog. Tapos itong isa kong kaservice, kung ano-ano pinatong sa bag na 'yon kasama yung clearbook ko. Ehdi siyempre, mahuhulog nga naman lahat 'yon. Eh sabi ko naman, yun lang bag yung hindi ko lilimutin.
Tapos pustahan kami, nung inayos na niya, sabi niya mahuhulog daw yung clearbook ko. Sabi ko, hindi! Alam mo yon, just read between the lines. Tapos siyempre, magaling ako. Nasa paahon na, hindi pa rin nahuhulog yung clearbook ko. Tapos medyo tinatapik na niya para mahulog, sorry, ayaw talaga.
Tapos may hawak kasi siyang bandage, yung may pin. Eh nahulog yung pin, ehdi hinahanap niya. Sabi ko,
"Ayan, kahihintay mo dun sa clearbook na mahulog, nawala na yung iba!" HAHAHA! Napa-LOL naman kami dun. Pantae lang banat ko e. :))))) HAHAHAHA!
WALA. Share ko lang. :)
Naalala ko na naman ang maling gamit ng 'share ko lang' at napagtanto ko lang, ang tanging makakabara sa 'share ko lang' ay 'OKAY PO!' HAHAHA :))
Walang magandang nangyare ngayon. Confirmed na yung nililigawan niya. ehdi OK!
Tapos yung morning talk... wala lang. :)
Ang kulit ko today. Pag nakakawala ako sa upuan ko sa room, para nga akong nakawalang rabbit, talon ng talon. HAHAHAHA! Joke, I mean happy lang ako today (ows, di nga?!hahaha!). Masaya talaga ako when in comes to friends, classmates and seatmates? :)) LOL! Ano ba, hindi lang ako sanay na nasa harap ko yung teacher, makaka-adjust din ako. :P
Nga pala, NICX! Uy, yung sinabi ko sa'yo nung morning assembly ha. Ingatan mo. :')
ARRIVEDERCI!
(katawa-tawang paraan ng pagsasabi ng BYE dahil.... wala lang. hahahaha!)
♥ life sent to Kyu
7:23 PM