<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/1141617936760849635?origin\x3dhttps://kyukiss.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>
STOP. I KPOP
And they all took my heart away. ♥

How I picture LIFE

My Boyfriend is in SEOUL. ♥
Well, this is a blog for my LETTERS TO KYU, things I wanted to say to him, things that are happening in my life as if we knew each other personally like every Gamer would dream about ^^. So please don't misunderstand whenever I'm writing things as if I really know him in real life. I just love him. XD



Basketball Thang!
"I've watched them win and lose, skipped in and hammered, grinning and sighing, and most of all, smirking and looking up to God. In every single move, I know inside them that there us only one that makes things happen, God. See how they work? They work with faith--kissing their fore finger, making the sign of the cross and tapping their chest. In these kinds of games, have you ever thought that they can remember God?


I have learned that maybe God has really his own plans. I mean, see how the ball goes-in and out. Almost in but went out. It's like every move of the player towards the ball to the ring matters. Each muscle that moved from the player and the tap to the ball counts for every result. I have proved that even the little-most inch in the air means a lot to whatever happens."

You can't say if you'll lose or win, but you always look up in you life. Because once, God fulfilled your prayers.

I live my life with God. And I ought to love it. :)
Mediabox

"Whenever I see you, I swallow my pride and bite my tongue. I pretend I'm okay with it all, act like there's nothing wrong... " - CRY


I ♥ LEGACI TOO!
Visit them @ LEGACI (YouTube)

I'm Your Greatest Fan You just don't know it. Sad.

Retrieve my past here. Read my life. Escape from your life, live mine. ☺

Still a Student
I LOVE KPOP
I love Yesung but...
I'm in love with Kyuhyun
ANYTHING Cookies n Cream
Cinema: Watch Super Show 3 3D
YFC is my life
Loves SHOES--HEELS
Watch PBA live!
I love Jared Dillinger. *blushes*
But I love SMB better.
I also go for Joseph The Ninja Yeo
I've never been to other countries *sigh*
Paris, France, Italy, anywhere in Europe!
PBut let me go to Korea first. XD
Pressing repeat when I love the song.

To BE WITH KYU ☺


Talk to me. :)


Find me.HERE.

Rewind my life

Are you sure you want to turn back the time and read about my past?

Who I was last... June 2009
Who I was last... July 2009
Who I was last... August 2009
Who I was last... September 2009
Who I was last... October 2009
Who I was last... November 2009
Who I was last... December 2009
Who I was last... January 2010
Who I was last... February 2010
Who I was last... March 2010
Who I was last... April 2010
Who I was last... May 2010
Who I was last... June 2010
Who I was last... July 2010
Who I was last... August 2010
Who I was last... September 2010
Who I was last... October 2010
Who I was last... November 2010
Who I was last... December 2010
Who I was last... January 2011
Who I was last... March 2011
Who I was last... April 2011
Who I was last... May 2011
Who I was last... June 2011
Who I was last... November 2011


Creditorials

NEVER REMOVE THIS SECTION!

Layout Designer:
♥chocodiiction-lovesxoxo*
Others:


Saturday, September 26, 2009

DAMN YOU.

September 25, 2009

AYON!
Natapos na naman ang isang nakakapagod na week. Ang astig lang talaga kasi weekend na naman. And for sure, ito yung kulang na weekend rest. Med-jo nasanay na rin kasi akong long weekend e. Simula na naman ng mga complete weekdays. Nakakabadtrip no? haha!

Actually masaya naman talaga ako.

Happy Birthday NICOLE! HAHA. Ng dahil sa’yo, sumaya ang service natin kanina. Ang astig. OOPS. Bawal. Erase. Haha!

Pero unti-unti nang nagulo ang araw ko ngayon.

Nabadtrip ako sa ate ko kanina e. HAHA. Alam niyo yon, madalas naman talaga kaming mag-away e. But never in a very serious fight. Kanina nga e, biglang tumawa si ate e. Pero paiyak na talaga ako nun. Para kasing sa maliit na pagkakamali, nadadamay na lahat ng pagkakamaling nagawa ko. KAINIS! Haha!

Nauna naman talaga si ate e, kaya nainis ako sa kanya. Binalik ko sa kanya yung ginawa niya sa kin at nainis siya. O diba, nakakainis talaga yungn ginawa niya sa kin. Sabi binabanggit ko pa daw kasi ang nangyari na, ang nakaraan. You know what’s in my head?

“how do you understand how anyone becomes who they are? You have to go to the past. Every moment is connected to a million other moments.” –Silver (90210)

‘Yan talaga pumasok sa utak ko kanina. Nag-eemo pa ako. “Life kills me.” Sabi ko. Kasi these past weeks and days, hindi ako completely okay. Magulo ang takbo ng buhay ko sa mga nagdaang araw. Magulo pero hindi ko sinabing malungkot. Haha!

As usual, okay na ulit kami ng dearest sister ko. Parang bata nga kasi kami mag-away e. Pero ok na yun kesa yung mga umaabot ng years ang awayan. Eh hell-o. Magkapatid kaya kami. Abnuy. Haha!

Tapos medyo ok na talaga ako. Naglalaro na ako sa FB. Nakikipagchat-an na ako. Oo, nakipag-chikahan ako. Nag-comfort. Napag-share-an. Nakipagkwentuhan. Nag-share.

Dahil naglalaro ako sa FB, naisipan ko lang buksan ang 7 unread messages sa inbox ko dun. Eh kasi, hindi ko talaga binubuksan yun, puro kasi kung anu-ano lang message galing sa mga hindi kilalang tao.

Pag bukas ko, nagulat ako sa isang message. Ang title, “AYOS NAMAN.”

Eto ang laman:

“..si (name here) po to.. sana naman walang bastusan .. kung wala kang magawa at wala kang kaibigan .. wag mo naman idamay ung girlfriendq .. gawin mu ba nman na ugly sa tag mo e hndi naman kayo close .. ayos po ha .. sana kaclose mo ung tao .. ty”

TOTALLY SPEECHLESS AKO. Kabog din dibdib ko dyan. I was blank.

I-emphasize natin yung “KUNG WALA KANG MAGAWA AT WALA KANG KABIBIGAN…”

Ehdi siya na. Oo, siya na. nakakasakit lang talaga ang gnamit niyang words, diba? Eh kami ba, close? Kakabadtrip lang talaga.

I thought he was way different. I mean, alam ko med-jo mayabang siya, but I didn’t know ganyan siya kayabang. Pwede bang sabihin kong hindi ko din siya kilala? Or should I put him as the one UGLY?!

Diba yung application na yan tagging your friends eh random selection. Kung sino na lang mailagay nung application na yan, kahit hindi mo naman kilala napapalagay basta friend mo sa FB.so common sense lang. SENTIDO KOMON! (kung tama man ang spelling, nag-iinit lang talaga ang ulo ko e!) he doesn’t have the right na sabihan ako ng ganung mga bagay. And the fact, it wasn’t intentional. I wasn’t the one who chose sa ma i-tatag sa photo na yon. SORRY AH?

Oo, dahil may bahid ako ng kabaitan, ang reply ko.

“Sorry po ah?” Basta yan ang first sentence. and yung huli, “Burahin ko na lang.”

Siyempre, alangan naman kagatin ko siya sa galit na nararamdaman ko sa dugo ko ngayon. Nagpaka-humble talaga ako sa reply ko sa kanya. DATI GWAPO KA SA PANINGIN KO, pero turned off na ako sa’yo. Akala ko, nabago ka ng pagmamahal mo at sa’yo ng girlfriend mo. Akala ko lang naman.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako mapakali. I’m not even sure if ako yung nan-tag. Minsan kasi ako yung tagged, then automatically, nasa album ko na yon. Diba? Kahit hindi ako gumawa. BADTRIP KA TALAGA. NAKAKABADTRIP KA.

Oo nga, ngayon ko lang masasabi na nagiging miserable ang buhay ko. Sadyang madami lang epal sa mundo. Nasasapawan na ang mundo ko ng Epeople. Haha. Pero promise, nahihirapan rin ako ng ganito. Wala na yung ako e. Puro na lang kayo. Badchrep ah? HAHAHA.

Kamusta naman ang mata kong kinatatakot kong mabulag, mabulok o kung anuman? Buti na lang puti na ulit, hindi na pula. Sunday up to Wednesday pula ang puti ng mata ko. Thank God, okay na ulit mga mata ko. Pero binadtrip talaga ako ng message sa FB na yan. Though dated like september 7 pa yata yun. Naiinis pa rin ako.

(spetember 26 na. haha!)

Isang maulang araw. Gumising ako ng 12:30 nn. Med-jo maaga na rin yun. Siyempre, iwan na naman ako dito sa bahay. Loner tuloy ako. Umuulan pa. brownout pa. isa na talaga akong model ng mga emo. Haha!

Hindi ko alam kung anung matiwasay na gawin. Ang dilim naman, hindi ako makagawa ng mga assignments. Isa pa, gagamit ako ng computer sa mga assignments. Badchrep. Kung matutulog naman ako, parang kakagising ko pa lang. pero no choice, parang yun na lang ang natitirang gawin sa ngayon.

Iisipin ko na naman ang mga imposibleng bagay. Mag-aalala na naman ako sa mata kong feeling ko e hindi talaga ok. Walang katapusang pagsheshare na naman kay Lord God. Walang katapusang drama.

Hay, nakakainip. Nagbibilang ako ng raindrops na naririnig ko. Nilalamig ako. pero gusto ko ng ice cream. Sana walang pasok sa Monday. Please?

“Here in my heart there’s a picture of us. Together forever unfading and unbroken.”

I really feel pity dun sa mga nasalanta ng bagyo. Watching the NEWS, grabe. Bagal ng rescue.  Kawawa sila, we’re lucky enough na umuulan lang dito, right? Be thankful. Pray for everyone’s safety.

♥ life sent to Kyu
9:54 PM

DATED SEPTEMBER 13, 2009. okay. ako na'ng late magpost. :)))


September 13, 2009

Yehess. After approximately 2 weeks, muli kong namataan ang sikat ng araw dito. Ang astig. Ang ganda ng panahon. Sana ganito na lang habambuhay. Pero may nagmamatyag na namang bagyo. :|

Isa na namang hindi kaaya-ayang araw ang lumipas. Hindi ko alam kung anong mga gagawin ko. Paano ba tumigil sa pagpapanggap? Paano ba nila ako maiintindihan?

Bakit ganito? Nangangarap na naman akong maging isang magical fairytale ang buhay ko, isang kaimposiblehang pangyayari. Nagpapantasya na naman ako sa ganoon, ganito. Ba’t ba hindi ko talaga matanggap na ito ang katotohanan?

Bakit hindi natin mabago ang nakatakdang mangyari? Magplano pa man ako, hindi rin naman natutupad. Paano na lang ang mga pangarap ko? Wala lang pala lahat, hindi naman nababago ang nakatadhana. Hintayin na lang kung anong mangyayari, ayaw mo man o gusto.

Ang dami kong tanong na hindi masagot. Ang daming pangyayaring hindi malaman kung bakit nangyari. Ang daming pagkakamaling hindi malaman kung bakit nagkamali. Ang daming kalokohan, ang daming kahibangan, ang daming katangahan.

Ganito lang talaga ang agos ng buhay. Wala kang magagawa kundi sumunod. Lunurin ka man ng malalakas na alon, wala ka pa ring magagawa dahil ang lahat ng nangyayari ay nakabase rin sa mga tao sa paligid mo, at isa ka lang sa bilyon-bilyong taong ‘yon.

Ipagkait man sa’yo ng kapalaran ang matatamis na pangarap, alam mong ikaw rin lang ang makakatupad sa mga sarili mong pangarap. Tulad lang tayong magkaiba, magkakaiba, hindi kailanman magkakatulad.

Sari-sarili tayong kapalaran, sari-sariling tadhana, kanya-kanyang buhay. Kaya lang, eto na naman ang tanong na hindi ko masagot-sagot:

Bakit ganito ang takbo ng buhay ko? Mas nakakatama….
BAKIT GINUGULO MO ANG BUHAY KONG MISERABLE NA NGA???

Thank you. Thank you for hurting me like this. Tamaan, sapul. :)))))

Bakit nagdrama ako ngayon? Ha? =)))))))))))) HAHAHAHA!
TARA UWI.:)))))) hahahaha!

Tulog muna ako. Masipag e.

Sweetdreams. =)

♥ life sent to Kyu
9:53 PM

Ang Magulong Blog (dated: 5 billion years ago. haha. :P)


Kamusta naman?
Nanuod lang ako ng Nancy drew at Notting Hill, nagbabakasakaling ma-inspire naman ng konti.

Kung anong gusto mo, gusto mo talaga. Yan natutunan ko sa Nancy drew.
“I’m a girl in front of a boy asking him to love me.” Yan naman natandaan ko sa Notting Hill.

Wala kasi akong mapanuod dito sa bahay e. Sawa na ako sa iba. Wala naman akong iba ditto.

Ang boring pa dito sa bahay. Walang magawa. Nagtapos na lang ako ng mga projects and home works na kailangang idaan sa computer.

Ang init ng araw na’to, as in. Nagising ako ng mga 12:30 ng tanghali na nandito na ang dalawa kong tita. Umalis kasi sila lahat, siyempre, ako iwan. Lagi naman diba? Ok, starting drama.

Nagtext na naman siya. Humi-hidden meanings na naman siya. Warever! =))

But you have to know the fact that I stopped texting since may nanloko sa akin about him. So yon, nawalan na talaga ako ng gana sa pagtetext. Nag-uunli ako, bihira lang ako mag-gm. Tapos ang pini-PM ko lang usually ay si Superfriend. Yun lang. walang kwenta na sa’kin ang word na text ee.

Wala, eto na naman ako at naglalagay ng meaning sa hidden meaning na text niya. Pero deep inside, sana magtext pa ulit siya. Masyado akong nawalan ng gana na pati siya, I didn’t mind to text him back nung nabasa ko na siya earlier. Now, talk about ‘nasa huli ang pagsisisi’.

Okay, umaga na ulit at bagong ligo ako tungo sa pagsimba namin. It’s really funny how my father would always say, ‘Bibili tayo ng Xtrail bukas’ or anything related to that line. See how confident he is… it’s really amazing having a healthy heart despite of this life we have. Ang astig ng tatay ko. Sabi ko lang. HAHAHA.

I wish everyone will be like a child like him in this home. I just wish, so maybe we’ll all be happy together… maybe, just maybe.

Okay, lahat na dinramahan ko. HAHAHA. Sabi nga, it’s your blog, you can write everything you want. Again, it’s your blog.

Ang cute kasi ni Rob pattinson. Diba? I just read the candy in which he’s the cover. And then may mga celebrity dun na ayaw sa kanya or did not find him hot. Screw Miley Cyrus for that one. And I forgot who’s the other one. Emma Watson, Selina Gomez, Megan Fox, Demi Lovato and of course, Kristen Stewart find him hot too and others. Why Miley? Warever. :))

Eto na naman at binabasa ko ang text niya. Oo, nagtext siya pero hindi ko naman siya pinadaanan ng GM. I’m slowly getting closure, sabi nga ni Nica. Bahala na.

Tara na lang at kumain ng breakfast.

Siyempre, dahil I have to consult myself na walang meaning lahat. Nagkatext na nga kami. Ta-dan! :)))) It made me happy for a while a bit. We’re friends, that’s all I can say. And that’s all we can ever be. Hindi na ‘to drama, that’s a fact.

At eto naman ako kutob. Kasi my eyes were red for like 5 days? And I really don’t know why. So I stopped wearing contacts muna for two days or maybe for the whole week. Pa-check muna ng mata. I think something’s really wrong. Maybe the solution, kasi both of us ng ate ko, namumula ang mata for the weekend e. Goodluck naman sa amin.

Kamusta naman ang MathEngSci na yan, talk about wasting strips of bondpaper. HAHA! First question, tara uwi! HAHA! Ano bang Axiomatic yan. :))

Basta, sana naman. Manalo kami sa Italian Song, yan na lang pag-asa namin. :P

♥ life sent to Kyu
9:50 PM

Saturday, September 19, 2009

Okay.

Isang linggo akong hindi nag-blog. Kamusta naman 'yon? Namiss niyo kaya ang blog ko? :) haha!

Med...jo madami ang nangyari sa buhay ko sa nakaraang anim na araw. Eto ngayon, at weekend na naman kung saan 'long' ito dahil walang pasok sa lunes. Ang swerte talaga.

"Sino ang nagsabing 'di ka maiiwanan? Sino ang nagsabing di ka malilimutan? Sino ang nagsabi diba wala? Kundi ang pag-ibig mong naniwala. Kundi ang pag-ibig kong naniwala..."

Wala lang. Ang astig kasi ng pasok ng isang napakaikling kanta na yan ng 6cyclemind. Kahit luma na, natripan ko lang naman. :) haha! Lab ko kasi yung 'clown' na song nila. Nakaka-emo.

"Hard to say that I really need you. I can't pretend that I am still in love with you... Don't get me wrong 'cause I know you're still here. Don't get me wrong 'cause I know you still hear me. Don't get me wrong 'cause I know you still feel me. Maybe you see me I'm always happy but in my back, I'm a lonely clown..."

Med...jo(oo nga pala, may stress at pause kasi yan sa may mga dots. haha!) sapul kasi ako sa kanta na 'yan e. Nagbabalik ang pagiging emo ko. Pero ayoko na nang pag-usapan talaga ang 'love' na 'yan e. kasi hindi na masaya. Ok? Pero alam mo yun. Yung nararamdaman ko, hindi talaga ok na itago, pero hindi rin ok na sabihin. Kumplikado. Kaya smile na lang tayo. :)

Kesa naman itala ko ang pag-eemo ko e marami pa namang nangyari sa loob ng isang linggo ko. Diba? sayang effort ng pagtatype ko kase for sure, wala rin namang mangyayari. (Ok, nag-eemo na po ulit ako. HAHA!)

Ratratan na naman ng sandamakmak na projects. Parang katatapos pa lang namin maggawa nung mga projects last quarter, ah?

Ang gulo lang talaga ng buhay sa school. Nakaktuwang isipin na kahit nahihirapan kami, ginagawa pa rin namin, diba? Parang wala e, ganoon talaga ang ikot ng mundo sa school at wala ka nang magagawa kundi sumunod sa agos nito. Ang astig isipin na pagkatapos ng lahat, malulungkot ka kasi matatapos na ang school year. Parang sana nilubos-lubos ko na ang bawat araw na noo'y kinatamaran mo. Parang nakakapanghinayang na ang bilis ng araw, hindi mo na malaman kung paano mo susulitin kaya namomroblema ka na lang.

Sabi ko nga, "But the sun rises everyday, and I know that another day will possibly make me happy or just upset me."

Hindi naman kasi natin alam ang mangyayari e, kaya dapat isaisip na lang na magiging ok ang lahat. Pero yun 'yon e, madaling isipin, mahirap gawin.

Diba alam niyo naman ang hatid ng weekend rest sa'kin? Kaya eto, weekend na naman. Hindi ko naman mapapatigil ang pagtakbo ng araw e. Ako yung tatakbo kasabay ng araw. Kaya minsan, wag na lang magtaka kung ayaw makisama ng araw.

(pero bakit emo pa rin ang dating ng mga nilalagay ko kahit hindi na about love? haha!)

Lahat na inisip ko para lang wag maisip ang mga bagay na hindi maganda ang naidudulot sa akin. Lahat na. Kung anu-ano nang pumapasok sa isip ko, labu-labo na kaya siguro hindi makalabas ang dapat kong tanggalin sa isip ko. Naisip ko na ang mga lovelife ng friends ko na nakakainis at bakit pati sila, katulad ko ang sitwasyon. Naisip ko na ri yung mga happy-go-lucky ang buhay. Naisip ko na rin ang mahihirap na kung bakit ganito talaga ang mundo? Ang saklap kasi ang daming nahihirapan. Siyempre, naisip ko na rin ang may karangyaan ang buhay na kung tutuusin dapat pantay-pantay lang ang tao kung sila, magbibigay sa mga mahihirap. Naisip ko na rin ang pakikipagsapalaran ng iba sa ibang bansa. Minsan naman ang mga bumagsak sa mga board/bar exam. Ano kayang nararamdaman nila e nagtapos sila pero babagsak lang? Diba? Lahat naisip ko na, pero siya, siya pa rin ang nangingibabaw sa isip ko. :|

(Bumalik sa topic na 'siya' tara uwi! HAHAHA!)

I mean, hindi lang siya. Bakit kahit kung san ko man dalhin ang paglipad ng isip ko, madami pa rin akong pinoproblema at least bago ako matulog, nangingibabaw lahat sila.

Hindi lang yan about love, wag kayo makulit, haha! Kung alam niyo lang... Kung malalaman niyo lang.

Basta, natutuwa naman kami sa bagong engli9sh teacher namin. Ang astig rin niya. Nakakatuwa, comedy. :))

Med...jo napuno rin ng mga walang aralan na quiz ang week na 'to at sa awa ng Diyos ay pasado ako. :) PARTY! Kasi straight yung week na wala akong tulog after school. Diretso research para s amga projects at aral pagkatapos. Tapos nakakatulog ako past 12 na. Masipag ee. At as usual, kung anu-ano naiisulat ko sa assignments kaya nagkaka-erasure ako. pati pala s apaglelecture sa school, na-exprience ko na. Nakakahiya mga pinagsususulat ko. ;))

Sana ang week ng MathEngSci ay maging masaya naman. Goodluck sa mga singers namin for the Italian Song. Madre Per Amore. :) HAHAH!

Kamusta naman 'yon at napadpad ako sa Spelling Bee? Gusto ko sana ay Quiz Bee, nadadalian ako dun e. At least, gusto ko lang talaga mairepresent ang section namin. Pero hayaan na natin. Andun ang mga masasayang kasama, dun kami nagsama-sama, I mean. badtrip kasi si Sir e, tinanggal yung isa naming kaklase na sama-sama kami sa quiz bee, ayun. Naglipatan kami. :)

"I can't keep up with everything."
-oo, totoo yan. Hindi ako multi-tasking. Med-jo lang. ok? Wag akong pagurin, please? Wag rin taasan ang mga expectations, madidisappoint lang. :)
(OKAY, ba't napunta diyan?HAHA!)

Ang gulo ko na naman. I feel so random today. Dapat kasi nasa Manila ako ngayon e. Badtrip. Lagi ako hinahadlangan sa pagsama. X(

Nagdrama?
\Speaking of drama, may project kaming drama e. Sana matuloy na by sections. Tapos if ever, sige, solohin mo na ang pagiging script writer. Kasi ang gusto niya, yung novel niya ang gagawin namin if ever. Sabi pa niya, "It's time to bring out my novel in life." Basta, med-jo ganyan ang sabi niya. Ok lang. Sige, ikaw na. OK?! Sorry na lang sa mga classmates ko na nag-aask for me to be the one. :)

"Pipilitin ko, iaahon ko. Tatahakin ang landas na binigay. Sana'y maabot ang minimithi. Sana'y makamtan ang pangarap."

Madami pa talaga akog dapat ilagay dito e, pero dahil nga ilang araw din ang lumipas, nakalimutan ko na lahat.

Siguro kailangan ko na talagang mag-isip this time. :) Maybe, just maybe... It'll bring
the pieces of me back together. Naalala niyo pa ang kantang over you?

"Now I'm picking up the pieces from spending all of these years putting my hear back together."
Ngayon, oras na para kantahin ang mga naunang lines.

--"I'm slowly getting closure, I guess it's really over...I'm finally getting better."

Pero...

"I never saw it coming, I should have started running a long long time ago. And I never thought I'd doubt you, I'm better of without you more than you, more than you know."

OUCH. HAHA.
Sige na nga, dito na lang! Baka tuluyan nang maging emo ever itong post na 'to.

HAHAHA. I love you forever...forever is over. :)

P.S. Belated happy birthday kay Tita Karen. Nakalimutan ko ikwento sa inyo, sa mga malalapit kong kaibigan na med-jo ok na kami ni ano. Ok? Lumabas kami nung Sept. 16, bday ni tita. Tapos yun, isang mahabang kwentuhan. :)

♥ life sent to Kyu
5:55 PM

Saturday, September 12, 2009

First things first.

CONGRATS SA VARSITY!
Oo, lahat kayo, panalo man o talo, tiba-tiba man. Ang alam ko lang na nanalo basketball girls dahil sa kaklase kong si… KAMILLE SAN MIGUEL. :)

Gumising ako ng 2:20 PM. Nagising kasi ako ng 9:22 AM, natulog ako. Nagising ako ng 12:25 NN, natamad ako bumangon. Kaya ayan, hinapon ako ng gising. Haha!

Gusto ko mag-volleyball, share ko lang. wala kasing magawa dito sa bahay e. Namimiss ko na talaga ang sport na ‘yan. :) can’t wait for the sports fest.

Confirmed na bang may Celestial? Ang saya naman. Tapos may teachers’ day na rin? First time naming makaka-xp ng teachers’ day. Masaya daw ‘yon e. :)

Wala akong ginawa kanina kundi manahinip ng tungkol sa 90210. promise, yan lang napanaginipan ko. HAHA! At ang lab na lab kong sina Adam Gregory at Shenae Grimes. Ewan ko, siguro gusto ko lang talagang manuod nito.

Kahapon, kamusta naman ang quiz sa Math? Halu-halong problems baman. Alam niyo bang 2:35 na, 2 items pa lang nasasagutan ko? Eh ang time, 2:50? HAHA. Pagkatapos ng quiz, tsaka ko lang nalaman na hindi lang ako naka-xp ng ganon. :) almost lahat pala kami, napadugo ni Sir ang utak. Kasi, madali lang talaga ‘yon. Naintindihan ko na kasi yun nung Thursday e, tapos ganun kahirap yung quiz. 6 items lang naman, pero kakadugo talaga ng utak. 4 lang nasagutan ko, tapos yung pang-5, sinasagutan ko pa lang. nasa solution pa lang ako. Sana naman may point yun, goodluck. Sana pasado ako. Hanggang sa next subject, ang gma kaklase ko sinosolve kung saan sila nagkamali. HAHAHA. Tama ko lang siguro given, ay sa no. 2 as is, wala akong sagot. Sabi ko kasi ihuhuli ko ‘yon e. rectangle baman. UGH.

Nilalamig ako ngayon. Ang sarap ng McDo. =)))) HAHA! Fries tapos gravy. Yehess. Kakamiss ang McDo. :|

Sige, dito na lang. Tara na’t maglecture sa Elective, naiwan ko kasi ang notebook ko kahapon. HAHA!

Mamaya na pala, natatamad ako mag-lecture. Nanalo ang Ateneo vs FEU. Ang galing ni Jai. Yehess. Tapo seto ako’t naaadik sa Roller Coaster Kingdom sa Facebook. 3 days pa lang ako naglalaro no’n. haha! Tuwang-tuwa ako e, pati sa BuddyPoke. Weeeheeee. :) Share ko lang naman.

Sige, tara na’t maglaro!

Ciao. :)

♥ life sent to Kyu
6:36 PM

September 10, 2009

Ang inakala kong kaibigang aabsent ay pumasok. Thank God, she’s fine.basta, may tinetake na siyang gamot ngayon. Sana ok naman siya, syrup kasi. HAHAHA!

Magulo ang araw na’to. Sobrang gulo. Na-rock masyado ang mundo ko. Inatake ng malakas na shock wave dulot ng radiation sa pagitan ko at ng mga tao sa paligid ko. (ok, anong shock wave at radiation yun? Hindi konek e, may masabi lang ako. HAHAHA! Napapahiya ako dito, hahaha!)

Sa school, walang makabuluhang nangyari. First subject, quiz. Walang aral-aral, i-memorize mo lang yung mga formula. Basta, 4 mali ko dun, mali pa bilang ni Ma’am. Amp. Tapos binalita sa amin ng aming adviser ang isang kagulat-gulat na balita. Hindi namin siya magiging teacher for two months. Iyon ay dahil nakipag-swap siya para maging fourth year teacher sa kung anumang subject sa dahilang ang teacher ng seniors ay buntis at sa kahit anong oras o araw ay maaring manganak. Hindi ko rin lubos maisip na para saan pa at nakipag-swap siya eh pwede namang yung i-susubstitue teacher ay sa seniors? So ang magiging teacher namin for two months ay hindi siya at yung substitute teacher na dati na raw teacher sa RC. Samakatwid, ang pinaghirapan kong video para sa project presentation namin ay hindi pa magagamit dahil ililipat na ito sa third quarter project. Ang mga lessons din namin ay mapapalitan. Isang malawakang adjustment na naman ito for short.

Ang lab na lab kong teacher, yehess, na-meet na rin namin ulit after like a week. Pero ito lang yung araw na mag-mimeet kami, bukas kasi, wala siya. Bumanat ‘to e, sabi niya, “Pag gusto mo kasi, okay lang kahit mahirap.” Pero ang pinag-uusapan ay basketball. HAHAHA. Pero may punto naman siya do’n. basta, ang alam ko, laban na bukas ng varsity for the municipal meet. >:) Isang malaking goodluck!

Sa subject din na ito, maaapply natin ang salitang EPAL. Pero ok lang kasi…. ‘yon. Dahil ang pinag-uusapan namin ay ang ebolusyon ng tao, napag-usapan ang height na 6’’. Unang pinatayo ang kaklase kong matangkad sa may pintuan at tinanong ang height. Pati ang naglalakad na dalawang tao sa labas, tinawag ng aming teacher, na sa pagkakaalam ko/alam ko talaga ay varsity ng basketball pareho. Natawag kasi ang pansin namin ng makitang lampas ang ulo nila sa bintana namin, HAHA! Pagpunta sa may pintuan kausap ng teacher naming, ang mga kaklase ko nakatingin sa akin. O, kilala niyo na siguro kung sino yung isa sa dalawang varsity na ‘yon. Parang nakakainis pa rin na makita siya sa kalagitnaan pa ng discussion. Pupunta-punta pa kasi sa building namin. HAHA. Sinisi? Hindi ba ako ang dapat sisihin na kung tutuusin, hanggang ngayon, tanga pa rin ako. Diba? Bakit sa ilang linggong tiniis ko siya, magpapakita pa siya ngayon? O teka, bakit sinasali ko na naman siya sa blog ko? Ilang linggo din kasi akong nagpanggap. Ilang linggong tinago sa sarili ko ang lahat na it’s not over yet. :| pero I’m gradually getting there, tapos nakita ko pa siya ngayon, looking at me. Bakit ba kasi nasa unahan ako sa room? Kung nasa likod ako, malamang hindi niya ako makikita. Malamang hindi ko siya makikita. Teka, bakit pati sitting arrangement nadamay na dito? Height lang naman ang sinasabi ko kanina, ah? HAHAHA. Ang gulo ko talagang tao. Parang bata pa rin ako. Anu ba yan, basta ang height nung tinanong ng teacher namin ay 5”11. malamang ay nagtaka siya kung bakit tinanong ng teacher namin ‘yon. HAHA!

Kamusta naman yung nakaka-touch na short story sa Filipino? Grabe, ang astiiiig. :’)

Balik sa dating routine ang buhay ko, pag-uwi, matutulog, paggising, magcocomputer, pagkatapos, mag-aaral kaya inaabot ako ng hating-gabi pag-aaral. Kaya naman sa hindi ko malamang kadahilanan, napagalitan ako.

Sinasabi ko nang mapapahaba ang blog ko na’to. Madrama na ‘to.

Dahil gusto ko ngang magcomputer, at dahil wala naman talagang gagawin para bukas, namilit ako. Only to end up na mapagalitan ako at malait-lait.

Sinabi ng *tooot* ko na buti pa daw ang blog nakukumpleto ko, pero ang Math man lang, patanga-tanga ako. Siyempre, nasasaktan ako dun. Gano’n na ba talaga ako katanga sa Math para sa kanya? Sabi ko naman, hindi na nga ako nakakapag-blog e. Which is obviously, sa laptop ko ginagawa at hindi ko naman napopost kaagad dito sa blogspot ko. Sabi pa niya, ang bobo-bobo ko daw. OUCH. Tagos yun e. Bakit? Porket magaling siya sa Math, he’s looking down on me na?

Sabi naman ng *tooot* ko, bakit daw kasi hindi ako mag-aral. Sabi ko naman, nag-aaral naman ako! Eh kung nag-aaral daw ba ako, anong ginagawa ko ngayon. Ang baba daw ng mga grades ko kasi hindi ako nag-aaral. Kung mag-aaral daw ako, siguro daw tataas pa ang grade ko. Sabi ko naman, ikaw kaya ang mag-aral. Napapagod din naman talaga akong mag-aral. Pero ayoko na sumagot, ayaw ko ng away kasi for sure, ako rin naman ang lalabas na mali dito. So tinodo ko yung volume at nagheadset ako.

Alam mo yung masakit? Kahit tinakpan ko na ang dalawa kong tenga eh naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nila. Pati lovelife ko pinapakialaman. Sabi ng *tooot* ko, mag-girl talk daw kasi kami ng *tooot* ko. Sabi ng *tooot* ko, sinusulatan daw naman niya ako, minemessage pa nga sa FS. Pero hindi naman ako nag-rereply. Oo, totoo yun. At alam mo kung bakit ayoko mag-reply? Kasi sa lahat na lang ng messge niya, patungo sa lovelife ko. Promise, ayoko ng ganun. At ayoko namang gawin siyang kontrabida sa buhay ko. Kung hindi na nga ako nag-aaral, bibigyan pa ako ng lovelife. Baka matanggal na ako sa section ko. Tapos magagalit sila if ever? Ang gulo talaga ng mundo.

Oo, paniguradong mapapagalitan na naman ako sa blog ko na’to kasi mention ko na naman sila. SORRY pero wala naman kasi akong mapaglabasan ng mga nararamdaman ko, ng mga hinanakit ko. Hindi ako mahilig magtext kaya wala akong nakwentuhan nito. Bago ako matulog nabasa ko ang text ni *tooot*, akalain mo namang nakwento na kagad sa kanya? Minsan, hadlang din talaga ang pagiging magkaibigan. Siyempre, as usual, hindi na ako nagreply, patulog na ako e. at ayoko nang pag-usapan pa. iyak talaga ako the whole night, maaga akong natulog, mga 11 nakahiga na ako. Iyak ako ng iyak. Bakit ba ganito ang mga nangyayari sa’kin these days?

It’s not that I’m questioning God, I just wanna know why. Am I blessed or what? Should I smile because I’m still alive, or should I cry because my life is miserable?

Ang sakit kasi na ipinapamukha sa akin ang pagkakamali ko, na parang sila na ang perpekto sa mundo. Na parang ako na lang lagi ang nagkakamali. Hindi na nila ma-recognize pagkakamali nila because they’re blinded by my mistakes. Why don’t they criticize themselves before they could ever criticize and hurt me in return? Sige, oo. Ako na ang tanga, ako na ang bobo. Ok na?

Tulad nga ng kantang iris,
“I don’t want the world to see me ‘cause I don’t think that they’d understand.”


I spend the night thinking over the things they’ve said. Lahat na naisip ko. Dahil lang sa simpleng pag-asam ko sa computer, napagdiskitahan na ako, nasermonan na ako. Pilit ko mang laksan ang volume ng music, aminin na nating sira ang isang side ng headset kaya naririnig ko lahat ng pinag-uusapan nila.

Ang saklap lang. tinext pa ako ng kaibigan ko nang patulog na ako kaya hindi na ako naka-reply. I need her that time pati si superfriend. But I don’t have the guts to text them kasi parang ayoko nang pag-usapan. They’ll be asking kung bakit ganon sila. At ayokong ipahiya sila at the same time.

Bitter ako. Badtrip na ako.

Pero kung tutuusin, maayos pa rin ang buhay ko kumpara sa iba. Hindi lang maganda ang takbo nito sa ngayon. Sana maayos na.

Sorry ulit at naiblog ko sila, hindi ako ok e. hinding hindi. =(

“There’s nothing you can say, nothing you can do. There’s no other way when it comes to the truth.”


Arrivederci.

♥ life sent to Kyu
6:30 PM

September 8, 2009

Eto na talaga ang masasabi kong walang magawa. Walang importanteng nangyari.

Basta, ang alam ko, pinangako kong violet ang theme color ko ngayon. Umagang-umaga, inayos ko na. panyo, pony, clip, at contacts ko naman, violet. Nang kukuhanin ko na ang jacket kong violet, hindi ko Makita. Ayan, ginamit ko tuloy ang makulay kong jacket, so I ended up changing my hanky matching my jacket and chucks. Oo, PE nagchuchucks ako. Wala kasi akong ibang sapatos, low cut at high cut lang na Converse. :)))) hahaha!

Kaya naman, pagdating ko sa school, ang tanong nila, “Ilang kulay ka na ngayon?” Jusme. Napagtripan pa lalo ako kasi baril yung design ng hoodie ko. Abnuy talaga. LOL. =))

ANG KULIT NI KAMILLE. Hahahaha. Yan lang napagtanto ko today. :)))) PEACE :)

Isang malaboring na araw din ‘to. Wala naman masyadong nagyari sa P.E. e, hindi ko masyado na-enjoy. Shooting lang kasi, walang game. Ayon.

May sakit pa ang isa kong kaibigan, oo. Sumasakit yung tiyan niya, ewan kung bakit. Haaaay. Ingat siya. =)

wala nang ibang nangyari ngayon. Amboring. :))

CIAO!

♥ life sent to Kyu
6:27 PM

September 7, 2009

Wala masyadong nangyari ngayon. Sabihin na lang natin na balik-tamaran mode na naman ang nakararami sa mga estudyanteng tulad ko. Pero sa kabila ng lahat, may saya pa ring naidudulot ang pagpasok, ang makasama ang iyong ever loving friends.

Nakakatuwa mang isipin na kahit sobrang pagod ka nang pumasok na ayaw mo na talaga, pumapasok ka pa rin. May mga bagay talaga na ayaw mo man, pero dapat mo pa ring gawin.

Malamig. Umuulan kasi, ba’t hindi na lang nagka-signal no. 2 dito o kaya kahit sa tapat lang ng RC. >:)) HAHAHA! Ang hirap kasi sa school, putikan. Umuulan kahit sa may mga bubong. Hindi ka makakapunta/makakabalik sa classroom ng hindi ka nababasa. Parang facial wash lang at lotion na tubig-ulan. HAHA!

Natural na naka-jacket ako sa lamig, yung green. Tapos ang bag ko ay kulay orange na may katulad pa nga. Tapos ang clearbook ko, violet. Niloko tuloy ako ng mga kaklase kong RAINBOW colors, or napaka-kulay ko daw.

Nagsimula lang naman talaga ‘yon sa bag at jacket, pangit daw combination. Parehong highlighter daw kasi ang kulay, MMDA. =)) hanggang a buong ako na, napuna nila pati buhok, uniform, at lapis na hawak. HAHA!

Makakabuo na nga daw ako ng isang kahong crayola. Kaya naman sabi ko talaga, bukas, isang kulay lang ako. Or what I mean, konti na lang kulay, ang napili ko, violet.

Hindi pa ako natawag sa recorder playing as quiz, badtrip. Pero kabog ako dun, panget sa sobrang kaba. Sana lang, hindi ako mapahiya next week. At sana, hindi ko makalimutang magpractice dito sa bahay.

May mass nga pala ngayon. Wala lang, affected first&second subject naming, share lang. HAHA!

A quote to live by today:
“Minsan, ang pinakamahirap na gawin ay siyang pinakatamang gawin. Tayo na’t mag-aral.”
HAHAHA :) Ayos na sana e, no? haha!

Sige, dito na lang. Ciao!

♥ life sent to Kyu
6:20 PM

Monday, September 7, 2009

September 6, 2009

HAPPY BIRTHDAY, DANAREEN CORNEJO! Super miss ko na ang taong 'to. As in miss ko na siya that I wanna hug her tight this day. Pero hindi naman mangyayari yon. :( But I wish you all the best. :) Hope to see you sooner than soon.

Mendez day din ngayon. HAHA. :)

At PYC ngayon.

Sumunod lang kami, byahe. Tinamad kasi kaming gumising ng maaga. So, hindi na kami nakaabot ng worship nung umaga. --na sa pagkakaalam ko ay kinanta ang ALL FOR LOVE doon. Marami rin akong nakitang RCians. Tapos masaya naman ang naging takbo ng araw na 'to.

Hindi naman ako masyadong naglaro ng volleyball. Ok lang, kasi ayaw ko talaga maglaro. Wala ako sa mood. HAHA. Basta, masaya na nung worship. =) Though hindi ko alam lahat ng songs, masaya pa rin. It's the thought that counts. :)

Wala ako masyadong mailagay dito. :) Basta, ang HAWT ni *toooot*. Oha. :)

Tapos medyo maaga natapos ang PYC comapred sa SYC. :)

At nakanuod ako ng 90210. Oo, natapos ko. Paano ko ba hindi matatapos e kulang yung laman ng DVD? 12 episodes lang yung laman, pantae. :)) Bibili na naman tuloy ako ng bago, at yung kumpleto. Lesson learned: Pag ipapatesting, patingnan mo yung episodes list kung kumpleto bago ka bumili tulad ko, napeke. :)) Basta, ang hawt ni Ty Collins played by Adam Gregory. Not sure if nasa Season 2 pa siya e. :) Basta, mas cute sila ni Annie(Shenae Grimes) kesa kay Annie-Ethan(Dustin Milligan). But Adam's real life girlfriend is Jessica Lowndes who plays Adrianna in 90210... =)


Adam Gregory as Ty Collins


Ty-Annie


Adam-Jessica



Sige, at wala pa akong nagagawang assignment. Isa pa, nagising ako 3:20 PM na. Magaling na bata. :)

CIAO!

♥ life sent to Kyu
5:45 PM

September 5, 2009

Ngayong araw na ito naman ay kuhanan na ang card, PTC. Maaga-aga ako gumising kasi sasama ako para ituro kung saan ang room at tutuloy yata ng SM.

Bago pa ang PTC, sinabi ko na na baka ang rank ko ay pang-20+ na kung dati ay pang-19 ako over 300+ students. Sabi ko, ang gagaling kasi masyado ng classmates ko, and knowing I can't beat them. Basta, I know, nag-aaral naman ako preventing myself t fail any of the subjects. But it's a fact, that they study more than I do. :))) Tamad ko talaga. :) Aminado ako. =)

Pagpunta sa school, umuulan. Kinailangan ko pang tumakbo under the rain. Ulan na naman, eh kahapon nung Reco, ligo na kami jan. =)) Tapos nung kinukuha na ni Ma yung card ko, I was beside her. Tapos ayown. Nagulat naman ako. :)) Rank 12 ako. >:)) So I was beyond my expectation in a good way. Natuwa naman ako. :)) For sure, it didn't make my parents super proud, but indeed, I was happy for myself. :)

Ok na ako sa rank ko. :) Ok na ok na ako dun. HAHA! Kasi, alam ko namang sobrang sipag ko tamarin. :) Pero basta, tama nga. I need to focus on my studies, kahit panis na panis na yang linya na yan. :)

Sa SM naman, bumili kami ng mga CD ng Hillsong United. Kasi naman, ang mga CD dito ng worship/praise songs, lalo na yung kay Kuya na ang laman e mga 500 songs yata isang CD, eh hindi na namin ma-organize. :)) So, bili na lang kami. And yung favorite ko sa ngayon, All For Love. :)

Para na ring Love Song ang song na 'yan e.

at excited na ako sa PYC bukas. :)


"Everything I need is You, my beginning, my forever."

♥ life sent to Kyu
5:14 PM

September 4, 2009


Oo, ganap na Reco na namin nung araw na'to. Malungkot man sabihing hindi kami kumpleto, may absent pa, umuulan pa. Pero ok lang, sosyal, hindi kami lakad. Naka-L300 kami.

Sabi ko lang naman, hindi masaya ang reco kung walang picture-an.

Aminin ko na, medyo na-boring-an ako sa Recollection naming 'to. Mas masaya yung last year, kasi maaraw. Tapos yung ngayon, iba. Tapos yung mga talk, nakakaanok. Merong imagination thing, pero hindi ko natapos nung kay Christ na. Wala masyadong nagawa nitong araw na'to e. Ang napala lang namin, walang klase. :))

Pero masaya pa rin naman e. Kasi ako ang isa sa mga na-assign na magdala ng cam. Payag na payag ako dun. :)) Madami namang na-take na picture. At na-lowbat na nga yung cam e. Pero hindi na-empty. At ang favorite na venue ng picture-an, ang letters na O-A-S-I-S.

Oo, naglakbay rin kami. Makulit kami e. Tapos masaya yung part na'to. May nastranded lang talaga. Kabilang pa ako. Sorry naman. >:)) At oo, walang humpay ang pag-ulan kaya paniguradong may nagkasakit sa amin.

Nag-open forum din, pero yun ay tungkol lang sa kung anong napapansin at mga suggestions how to improve our sections.At kung anu-anong mga pagkukulang namin bilang isang section. Hindi na ako nagsalita dun. Busy akong nakatingin sa sungka. Tapos nagba-browse ako ng picture at napagdiskitahan ang picture ng isa naming kaklase nung izinoom ko. >:) Kinawawa ko na siya buong araw. HAHAHA. Pero madaya siya sa pustahan, hahaha! Ok lang, laro lang naman yun. Joke lang naman. :))

So, naging masaya ang reco dahil sa picture takings. :)) Joke lang. Kasi lessons are learned naman e. :) And that's what counts most. :)

Pero parang may kulang lang talaga nung araw na'to. Basta, late na natapos yung reco. :) haha!

Osige, yun lang para sa araw na'to. :)


♥ life sent to Kyu
4:54 PM

Thursday, September 3, 2009

Ano ba sasabihin ko...
Ayaw ko makipag-away tungkol sa schedule ng Reco namin. Ewan ko ba, bakit pilit nahahatak na magkahiwalay ang SLR?! :)) hahaha! Sabi ko nga, what's not meant to be, is not meant to be. :((

Grabe, minalas kami talaga tungkol sa sched. ng reco namin. Nakakalungkot. Hindi kami kumpleto kahit anong araw pa kami makipag-swap sa ibang section. Sana, marunong umintindi yung nag-aayos ng sched. Sana lang. :( BANAMAN. ahahaha! Punto e. :)

Anong kagulmihanan ang nangyayari sa room pag wala ang SBO namin...
Una... Nagugulo ang sitting arrangement. HAHA! (kasama ako sa nanggugulo, hirap sa dulo e, di ko mabasa yung kabilang board. haha! seryoso, totoo yun.)
Sunod... Wala yung 'cousin' kong naririnig lagi.
Sunod... Mabagal kaming makatapos ng pinapagawa esp. seatworks. HAHAHA!

Kasi, masaya. Pag nandon sila, malakas ang radar. Abot sa likod. HAHA! Haaay. At kung nandyan lang sila, masaya sana panigurado ang reco namin bukas. Basta, pilitin naming maging happy wag lang uulan. Ayokong uulan. >:))

Super apektado kami e, no? Ganyan magmahalan ang slr e. Tapos next week, wala naman varsity, so may mawawala pa rin, tatlo pa. So ayown. Uwian na lang. HAHA! Madumi kasi. :)) HAHAHA! Naalala ko lang. :)) Abnormal ako e. Nagulo na =)))

kanta ko na yung ONE TIME. Promise. :)) HAHAHAHA! AS IN. Oo, AS IN. >:))

Naiinis nga pala ako sa YM. Yng not responding na ewan ko na yan. Lagi na lang! Tapos meron pang umabot na sa tuktok ng screen yung logged in-logged out. Kainis. Epal yung mga ganong tao. >_<>

HAHAHA. :)

Nahighblood na ako dahil lang sa gulo ng reco. >:)) Abnormal talaga ako. :))

basta, medyo masaya naman ako kasi dun ako nakaupo sa upuan ng isa kong kaklaseng wala. HAHA. Napadaldal naman ako dun. pero at least, hindi napapanis yung laway ko dun. >:)) HAHAHA! lol. Ewan ko nga if dun pa ako uupo e, kasi may nag-rereact. eh ayoko ng ganon. So, paka-loner na lang ako sa upuan ko sa ibang time. Ok lang. Go, me! HAHAHAHAHA! Basta, ang alam ko, hindi kami makakaattend ng club meeting bukas. Hay. basta, masaya ako sa club ko. Unti-unti ko na siyang naaappreciate. Kaya napapaisip ako kung susundin ko sila, nanangsasabing mag-varsity ako. Tapos, ginugulo nila ako kung basketball o volleyball. Hello. SBO na lang. HAHAHA! Para maka-Baguio ako.>:)) LOL. :)) Matagal pa naman ang next year, mapapag-isipan ko pa yan. HAHA. :) Kung saan-saan na lang napunta ang sinasabi ko. hahah!

Tama na nga.
basta, wala pa kaming meeting sa FL. :) Kamusta naman 'yon. Kawawa kami. haha!

"It may be the right time, right place, right love. there's nothing wrong in loving someone, sometimes, it's the wrong person you're loving."

♥ life sent to Kyu
8:21 PM

Wednesday, September 2, 2009

Ngayon ko lang na-feel yung song na "ONE TIME" ni Justin Bieber. Dati, sabi ng mga totoo kong kaibigan e pakinggan ko daw, maganda daw kasi. Kape-play ko pa lang dati, "Ay, stop. Close." HAHAHA! Tinry ko nga pakinggan ulit kanina, ayan, naka-repeat na. LOL.

Ay, wala naman akong ikekwento. Natuwa lang ako. Kow. =)) Hindi, I mean am I in the right track? Yea. I rock. JOKE. Ang gulo ko na naman. :))

Eto na lang. Basta, tita messaged me. Yea, my ever loving and supportive Tita. And I was so speechless at first. I mean, hindi ko alam what to reply sa kanya. And I ended up saying this:
(I can't post what she said, it's too personal for me na. Yun na lang sa'kin.)

"yes, tita.
i'm just finding and waiting for the right time. for the mean time, hindi ko pa po siya kayang kausapin. i'm getting there na rin naman. as i've said po dati, hindi ko kayang kumausap ng personal e. yun problema ko sa'kin, and I can't point her out sa mga mali niya.
maybe I just need a break, pahinga lang in bearing with her. i just want her to miss me enough to feel me. if i won't be doing this, siguro hindi niya ako mafi-feel. and tita, so sorry for making her life miserable within a week, and pati po ikaw, affected... i know she cried, and i hate knowing she did.
i miss her too. pero pag nakikita ko siya, parang di ko pa talaga kaya. kasi, hindi ko alam kung anong sasabihin ko at paano ko i-eexplain ang sarili ko. she kept saying sorry sa text nung isang araw, but when asked if alam niya why she has to be sorry, she doesn't even know. so still, hinihintay ko na ma-point out niya by herself. i think siya naman yung who needs time for that. we don't need to rush things up way back to what we used to before. everything will happen in God's time. :)
i felt like taken for granted kasi. she leaves me whenever she wants to, she maybe sometime forgetting about me. she'll be there when i finally made up my mind na wala na talaga, ganyan na si -----. inaaccept ko na kasi yung pgbabago nya, kc dun ko siya nakikitang masaya. so i was like letting her go na. pero ayaw niya. so, naguguluhan ako ngayon. i need more time lang talaga.
and yung thing about sa kanila ni ----, i was really upset. hindi lang yung about sa hindi niya shinare, yung skin rin, not sure if she's mature enough to what she's doing, indeed, i can feel na nasaktan din siya for what she did.
i just wish maging ok lahat in a snap of time, if both ours hearts are willing to. :)
sorry po ulit tita, pati kayo, affected. :') god bless."

Yan, share ko lang yan.
And thankful rin ako sa isa kong friend na kinausap and sinabihan ng words of wisdom itong si friend ko. Thank you. Love you. (Nyak, hindi ako sanay dito mag-ily. hahaha!) Basta, thank you. Sinasabi ko lang. Share ko lang. Opinyon ko lang. Hindi ko hinihingi ang kahit anong reaksyon mo. HAHAHAHA! Barado na kaagad. Ayon, kilala na kung sino! )

Basta, ang alam ko, wala akong alam na assignment kundi isa. At quiz sa favorite kong subject, hep. Hulaan niyo kung ano, ang dami ko yatang favorite subject.

Hindi pa ako kumakain, loner ako mamaya. hahaha! Dinagdagan ko pa kasi yung project sa English. Grabe, career mode. LOL. I mean, we have groupmates, we do have groupmates. For sure, sila na bahala sa pagpepresent.>:) Yehess!

"let me tell you one time, I love you."

♥ life sent to Kyu
8:16 PM