NP: I swear this time I mean it - Mayday Parade
"I'm outdated, overrated. Morning seems so faraway. So I'll sing a melody, and hope to God she's listening sleeping softly while I sing. And I'll be your memories, your lullaby for all the times hoping that my voice could get it right."
Ayun, inabot na ako ng siyam-siyam bago ulit makapag-post ng blog. (siyam lang!) HAHAHA!
Super naging busy na kasi ang mga araw bago mag-bakasyon. Una, projects! HECK, inabot ako ng approximately 124 years bago matawag sa Filipino para sa maikling kwento. Nung natawag pa ako, ewan ko at naiyak ako. :| Sa dulo lang naman! =)) Ang ewan kasi nung kwento ko, kainis! Pero mas umiyak naman yung iba e, diba Bea at Shannen? :P Hindi ko na rin nalaman kung anong grade ko dun kasi 'di na binalik sa amin yung mga sariling gawa.
Tapos hinanap ko talaga yung kwento ni BEA online! E ang natatandaan ko lang na line dun e "nakabalot sa medyas" HAHA! Eto yung link:
Anting-anting Ako rin mismo napaiyak nung binabasa ko. Di ko kasi naintindihan nung kinukwento ni Bea gawa nung pagpasa ng "standing ovation" HAHA!
Naadik rin ako sa kantang All The Way ng Busted:
'Coz you said that you would but then you change your mind. How could you do this to me it's just so unkind. and it's cruel if you say that you'll go all the way. I can't wait for the day that you don't change your mind. Naka-repeat yan sa iPod ko, kaya na-empty yun ng isang kanta lang ang napakinggan ko. :)) Inabot rin ng mga 5 araw na empty ang cellphone ko. Inabot ng 223 unread messages. Sa katamaran kong magbasa, natuloy sa pagbura ng lahat without reading them. Panibagong inbox na naman, 34 messages pa lang, di pa kasi ako nagtetext e kagabi pa ako unli. :|
Ano naman ang mga nangyari?
OK. Exam week, 2 days ko siyang hindi nakita, AS IN. Pero never mind! LMAO! Pero basta, feeling ko absent siya nun. Third day, nakita ko na siya, medjo katapat lang yung table nila sa'min.
OK, the day before that.
Sunday, dalawang subject lang naaral ko para sa exam sa monday--AP at Fil lang. Lumuwas na naman kasi kami nung hapon. Dinala ko na rin yung Sci reviewer pero walang nangyari, madilim na rin kasi nung lumuwas kami. Grocery lang ulit, medjo napadami binili ko nun. =))
Tapos sobrang traffic!!!!!!!! Sa may walter sa dasma, nakatulog na ako, paggising ko, nandun pa rin! SM Bacoor dapat kami para magcomplete ng mga dapat pang bilihin, kaso 8:42 na kami dumating ng gabi, sarado na kamo! AYUN! Sa MOA na lang kami natuloy, dumating ng mga 9:10 PM dun, tinraffic pa rin kami medjo e, lalo na sa tollgate!
Tapos naghanap na ako ng skirt na isusuot ko sa Christmas Party, ito kasing si Kuya, hindi nasiyahan sa mga binili kong damit nung Saturday. Ayun! Tapos bumili na rin ako nung boots na gusto ko sa Zara. :> At tuluyan na akong naubusan ng pera, 1K na lang natira, baon ko pa sa school yun. :)))
Tapos kumain kami, etc. At pumunta ng EO para ipaayos yung binili kong contacts nung Sat, kasi masakit sa left eye, e pag yung isa sinusuot ko(orchid) e hindi naman masakit. and pinagtapusan bumili ako ng pang-left eye lang ulit, pumatak ng 1600+ ang contacts na binili ko kasi walang kwenta yung binili ko kahapon. X( Sayang pera! (hindi naman sa'kin. :)))))
At ayun, mga 11:22 PM na kami nakaalis sa MOA, for short, sarado na! :)) Ang bagal pa nung sa bayaran for parking? SUPER! Kaya ayun, nakauwi kami ng mga 2:25 AM na dito sa bahay. E medjo masipag ako, nag-aral ako sa Sci! 4:06 na ako humiga, e hindi naman ako kagad nakatulog. :(( Ayun, mga 1 hour lang ang tulog ko. :|
Saturday.
AYUN! Akala ko hindi na talaga matutuloy ang pagluwas namin, kasi nagka-PROBLEMA nung friday ng gabi, leche! Pero natuloy naman. :> Medjo Christmas Rush na nga e, no. Ayun, MOA lang kami, :> Pero ok lang, ang dami naman napamili e, ibang iba sa mga dati! Bonggang shopping 'to. At masaya ako. Nakabili na rin akong gifts at lahat na ikinaubos ng pera ko. HAHA.
Bumili ako ng bagong contacts, green. Usapan kay ate e red. Kaso wala naman nun. Masakit yung sa left side, ewan ko kung bakit! Nawawala yung sakit, bago maya-maya masakit na ulit. Kaya tinanggal ko na lang, hoping na mawawala rin pag sinuot ko ulit.
Sumakit ang paa ko dito e, AYUN. Tapos kasi umalis si ate, e taengyun, 9 na ng gabi dumating! Nilamig na kami dun sa may Ica Skating at lahat e. Kumain kami mga hanggang 10 lang yun, e nalaman naming hanggang 12AM pa pala, edi nagshopping na si ate ng kanya, sumama kami ni Kuya. Binigyan siya ng pocket money na tinodo niya pamimili. :)) Magttwelve na kami nakaalis sa MOA. :> Masayang araw 'to, super!
Nako, maaga pa gising kasi Sunday na bukas.
MONDAY NA, exams!
Sobrang inaantok ako. PRAMIS, diba 1 hour lang ang tulog ko. :( Exams, kabado na ako. Hindi pa kasi tapos mag-aral. =( Nakakaiyak, first time kong super hindi handa. Inaantok ako, ewan!
Medjo madali lang ang mga exams, well, nahirapan ako sa Sci, nagkamali-mali pa ako sa FL.
Ito yung day na sobrang nakatulog ako sa FL. 30 mins pa kasi yung time e, sayang. Wala namang magawa. Kaya pasahan na ng papel, tulog pa rin ako. Dumadagundong na pala ang sipa ng nasa likod ko para magising ako, hindi ako magising, todo na pala sa pagtawag nasa unahan ko, wala pa rin, todo tulog pa rin ako. =)) Kaya nagising ako sa kalbit ng katabi ko, nakakahiya. =)) At hindi ako maka-move on buong araw na 'yon!
At hanggang nag-wednesday na.
Bawal daw contacts sa Christmas party, boohoo. May tumawag sa'kin, ikot ako kahahanap, katabi ko lang pala, 2 points na ako sa kanya. :)) GRABE!
Elective, balik-homeroom na! Masaya sa room, promise! SUPER! Kaso may blangk0 ako sa elective. :(
Tapos ayun, usap-usap na lang about sa party. :> Excited na madami, ako hindi masyado. :>
Nag-sm kami, family, kakatouch. Super broke ako kaya hindi na ako nakasama sa classmates/friends ko. Tapos ayun, bumili ako(nagpabili?) ng mga kelangan at kulang ko pa na pangregalo. Bumili lang ako ng ink at board paper para sa awarding sa room bukas. :> Sobrang bait ko, walang bayad yun e! ;)
Tapos itong si Kuya, biglaang may bisita papunta sila sa'min! Ehdi cramming pagbili ng mga pagkain as in dinner. AYUN! Cramming din paglilinis ng mesa sa bahay! Tas ayun, dumating na sila. Meron isang sobrang kulit! Ayaw maniwalang kapatid kami ni ate ni kuya. :))
AYUN! Mga 10:00pm na sila umalis. e nanunuod pa ako ng Devils Wears Prada for like 5th time na, kaya mga 10:30 na ako natuloy magbalat. At EWAN! Nagkulang mga pangregalo ko, :( Nawala or naiwan ko isang plastic sa pinagbilhan ko. Wala tuloy yung sa iba! Sa january na lang, ha? Tapos AYUN... Pinangalanan ko isa-isa, tapos nagprint ng mga certificate. Kaya past 1 AM na ako nakatulog. :) Sabi ko 5 ako gigising, hindi pa kasi ayos mga gamit. Nagising ako 5:30 na!
Nagpabili pa ako ng pang-prize sa games, spongebob! :)
CHRISTMAS PARTY NA!!!
Medyo nawindang sila sa suot ko, nakakahiya kamo. :| Tapos ayun, ang laki ng paperbag na dala ko, bakit kasi generous ako. :P =)) At inantok nga pala ako sa mass nun. :P Naghead bang na naman daw ako. =)) (naghead bang din kasi ako nung December 8. :P)
Program? Most memorable lang e yung sayaw nina Roraldo, Maysaysay, Vitacion, Palo, Naito, Gayos, Amado at Credo. AYUN! Patawa e, macho na nga daw si santa kasi. :))
After, nagkakwentuhan kami ng sobra ni Ma'am Edz! :* Sabay kami pumuntang building. :> Ayun, super miss ko na siya. Ang galing kaya nito sa LOVE! Ayun, bsta nagshare siya sa'kin tungkol dun. ;) AYUN! Lab na lab ko talaga si Ma'am! >:D< Ayun, siyempre may regalo ako sa kanya, siya pa!
OFFICIALLY, party na!
Una, medjo kabado ako maglead ng opening prayer. Pero I did the way we, YFC, do. ^_^ Ayun, super naramdaman ko na seryoso ako that time, kahit napatawa ko sila sa prayer ko. ;)
Opening remarks ni Ma'am, simple pero alam mong from heart yun. Joker kaya 'tong si Ma'am!
AT, siyempre, kainan muna... Kasi gutom na kaming lahat! Tagal kasi, 11 something na! So kain muna! AYUN, ang daming pagkain, pramis. :) Pero ang liit ng mga plastic cups. :)) HAHAHA.
Super Organized ng party, kamangha-mangha. Masaya ang games, blindfolded daw ba magtrip to Jerusalem? Kandungan pa! :)) Nanalo naman kami ni Glyzel. :> Mandadaya na lang ako, pumalpak pa pandadaya ko! X( HAHAHAHA!
Masaya rin mga intermission, kasama pa si sir gwapo, isang student teacher. ^_^ Nagvaviolin, gitara, siya na! :P AYUN, yung sa'min, malay ko ba yung kanta, pero ilang beses namin yun kinanta. Star ng Pasko. =) Si Father kinantahan din namin, puro kantahan na lang nagyari. :)) Pero ang saya talaga. ;;) Tapos ayun, exchange gift na! :) Ang saya!!!! Tapos nag-awarding na rin. ;) Ako pinakaBanal at Sa Fashionista, ala-blair daw kasi ako? :) Well, I'm still searching for my Chuck. :P =)
AYUN! Magulo kami, magfo-four o'clock na kami natapos. e hanggang 3 lang diba? Grabeng kantahan kasi yun e! Kasi naman, si Jernica. :(( Aalis na siya next school year. =( KAINIS! Bakit ganun yung mangyayari? Di na ba pwede pigilan? Just a twist of Fate! Time! Sabi nga, super attached na ng Lorenzo ngayon. :| ang hirap na magkahiwa-hiwalay. Nafifeel na rin naman si Ma'am ngayon, nawala baman sa'min ng two months. :( AYUN! Tapos kumanta kami ng I Can't Smile Without you, 2 times! Para kay Jernica, para sa lahat! Kinanta kasi yan dati ng boys samin sa time ng English. Super sumaksak sa puso ko yung tuwa, nung makita kong kumakanta rin si Ma'am. :') WAAAAAAA! Bakit ganito kaming Lorenzo!!! GRRR!
Tapos closing prayer ni Jernica, tapos closing remarks ng president, Kristel. Isang sentence lang.
"SANA E LAHAT NG MAGKAKAAWAY, MAGKAAYOS NA." Yan lang, umiyak na siya! :( Grabe, nagiyakan sila. :| Pauwi, palabas ng building, kami na lang pala ang tao nun. SI MICHA UMIIYAK!!! Grabe, nahawa na ako sa kanya. Kasi super saya daw hindi daw tulad ng dati. Mamimiss daw niya kami kasi nga mahaba bakasyon, tapos sabi ko paano pag summer na. AYUN! Patulo na talaga luha ko, kasi naman, SLR!!! :( Bt super attached na tayo. :((
WOOOOOOOO! Dapat walang matatanggal ha! :* Promise natin yan! OK?
SUPER SAYA NG CHRISTMAS PARTY.
Saint Lorenzo Ruiz - "Lorenzislocos"
Super thank you, guys. Kahit bitin boys natin, wala pang kahalati ng girls, buhay tayo. I just want you to know na you mean so much to me. Parang kayo lang lagi takbuhan ko pag wala nang iba. You're everything, guys, well at least to me.
I am not me without you, Lorenzo! :* I love you so much guys! You will always be the half that makes me whole! =) >:D<
Napatunayan ko, hindi kami Nerd. Hindi kami subsob sa pag-aaral. Get to know us, di porke't star section, iba na kami. :)
happy ako walang rivalries sa'tin as in by section. :) WOOO. happy 2009! Malapit na magnew year, pero pasko muna :P
AYUN! :) Lorenzo, birth of "panta", "anong problema mo? AYUN.".
Dito na lang, medjo sobrang haba na ee. :)
Grazie! Ciao!
"I can't smile without you, I CAN'T SMILE WITHOUT YOU. I can't laugh and I can't sing. I'm finding it hard to do anything. I feel sad when your sad, I feel glad when your glad. If you only knew what I'm going through, I just can't smile without you.
♥ life sent to Kyu
1:13 PM